Kabanata 19

125 6 0
                                    



                MAGSISIMULA na mamaya ang unang laro sa pagitan ng Archi at HRM. Sa HRM ng women's single ay si Athena ang kanilang representative.

Nasa open court na ako kung saan maglalaban ang mga Tennis Single's habang may laban naman ang Double's sa close court. Katatapos lang ang laban ng Men's singles kaya susunod ang Women's singles.

Wala pa si Athena dahil nagpalit pa siya ng damit. Nauna na ako rito. Sinadya kong sa likod ng bench nila Athena maupo para makita ko ng malapitan ang laro mamaya. Sigurado kasing magtatayuan ang mga manunuod oras na uminit ang laban.

Isa pa naisip ko na ring manuod dahil pinagtataguan ang Dean namin, si Dean Merde. Malamang na siya ang nag-utos kay Jean na ako ang ilaban sa women's single. Okay lang na sumali ako pero mukhang gustong manalo ni Athena kaya hindi na lang siguro.

Naramdaman kong may tumabi sa akin.

Nang sinuhin ko ay si Zeus pala. Namamaga ang pisnge niya maging ang braso ay naka-cast pa. Napapantastikuhan ko siyang tinignan.

"Z, what drama are you playing?"

Iniharap niya sa akin ang mukhang stress na mukha.

"Please, Hell. Not now." Inayos ang pag-upo na animo hirap na hirap.

"Hindi kita napuruhan kagabi, Zeus. Nagpapansin ka ba?"

Ni hindi nga dumapo ang kamao ko sa kanya nang tangkain ko siyang bugbogin kagabi. Well, maliban sa pisngi niyang namamaga. Ginamit niyang panangga ang mga gamit niya sa condo kaya wala siyang maisusumbat sa akin na ako ang gumawa no'n sa kanya.

Humugot siya ng malalim na hininga na parang ayaw muna niya akong kausapin.

Nilubayan ko na siya ng tingin mukhang ayaw talaga niyang sabihin.

Limang minuto na lang at tinawag na ang manlalaro. Eksakto naman dumating si Athena at si Zeus agad ang napansin.

May pag-aalala ang mukha nang makita ang kalagayan ni Zeus.

"Anong nangyari sayo?! Who did this to you?" Lumapit siya kay Zeus at maingat hinawakan ang naka-cast na braso. Lumayo ako ng kaunti at baka madapuan pa ako ng kadramahan nila.

"I-I'm okay. May kaunting aksidente lang kahapon," pagsisinungaling niya. Bago pa magtanong muli si Athena ay tinawag na siya sa court.

Nagkamayan na si Athena at ang katunggali niya sa gitna ng net nang dumating naman ang apat na kalalakihan. Nagtilian naman ang mga babae.

Inaasahan ko nang sa pwesto namin sila uupo dahil sa likod na lang namin ang bakante. Hades automatically darted his eyes on me. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi pa ako handang harapin siya.

I tsked.

Isa-isa silang dumaan sa harap namin at naupo sa likod namin.

"Zeus, you don't look good." Pansin nila rito. Pinagtawanan pa siya ng kaibigan niyang si Regal.

"Napagtripan lang ako ng siga sa kanto. Wala akong magawa nakakatakot siya," palusot niya.

I scoffed.

"Ang hina mo naman, Zues. Tara resbakan natin apat kami oh," Regal said.

"Who really did that to you Zenith?" seryosong tanong ni Achylles.

Si Regal ay tumabi kay Zeus.

Bumuntong hininga na naman siya.

"Si Dad. He was furious and.."

"Si Tito?!!" gulat na bulalas ko.

Gulat na napamaang naman si Achyllea at Regal. Ngayon lang nila napansin ang presensiya ko sa tabi ni Zues.

Her Dauntless Eyes √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon