Kabanata 24

158 9 2
                                    


Athena

Natanaw ko si Alyssa sa court katabi ang kanilang Dean sa may player's seat.

"Alyssa!" tawag ko para kunin ang atensiyon niya. Kinawayan ko siya nang bumaling ang tingin niya sa direksiyon ko.

Lalapitan ko na sana siya pero naunahan na ako ng pinsan ko at si Regal. Kanya - kanyang abot sa kanilang mga dala kay Alyssa, na nagulantang.

Bago pa man sila gumawa ng gulo ay nilapitan ko na sila agad para pigilan. Nakakahiya kay Dean Merde.

"Sorry po, Dean. Pasensya na may saltik kasi 'tong mga kasama ko," sabi ko habang pilit hinihila ang dalawa palayo.

Natawa naman si Dean Merde na parang wala lang naman dito.

"It's okay. Hindi pa naman kumakain si Alyssa. 'Saka may 20 minutes pa bago magsimula ang laro," sabi naman niya. Mabait pala siya, akala ko ay may pagkamataray dahil palaging seryoso.

Binitiwan ko na ang dalawa na lumapit na ulit kay Alyssa.

"Alyssa, May dala akong snacks para sa'yo."

Mabilis na iniabot ni Regal ang mga biniling pagkain.

"S-Salamat," naiilang na sabi ni Alyssa.

"Alyssa, I bought you a pizza."

"Uh, thanks." Isa-isang tinanggap ang mga iyon.

"Umay na siya r'yan!"

"Are you her?!"

"Of coures, no!" sagot naman ni Regal.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Dean Merde.

Kahit kulang sa social skills si Alyssa ay tinanggap pa rin niya ang mga ibinigay na pagkain sa rito. Hindi talaga siya tumatanggi sa pagkain.

Si Dean Merde naman ay tinanong ang dalawa kung kaibigan nila si Alyssa. Sabay pang sumagot ang dalawa.

Wala 'ata akong natatandaang kaibigan sila ni Alyssa. The last time I check, they were trying to make me stay away from her. Nag-usap pa sila na parang bagong kaobigan habang si Alysa ay abala sa paglamon.

"Merdi."

We heard a baritone voice from the back.

Lahat kami ay lumingon at tinignan ang tumawag sa pangalan ni Dean Merde.

Iyong Dean pala nila Zeus.

Nakapameywang naman lumapit naman dito si Dean Merde at tila umuusok ang ilong sa inis.

Hindi ko maiwasang humanga kay Dean Magnus. Ang tikas ng katawan niya. Matangos din ang ilong lalo na ang kulay ng mata niya, green eyes, may lahing banyaga. Ang kinis pa ng mukha. Karamihan sa mga kababaihan sa Uni namin ay patay na patay rito.

Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan kaya sumasang-ayon ako sa mga naririnig ko tungkol dito.

Bigala na lang dumilim ang  paningin ko. Nang tignan kong mabuti ay likod na pala ni Zeus ang nasa harap ko.

Sumilip ako nang magsalita si Merde.

"It's Merde, not Merdiiii. M-E-R-D-E, kuha mo ha! Magnos!" naiiritang ganti niya sa lalaki.

Nginisihan lang siya ni Dean Magnus at bumaling kay Zeus na nasa harap ko pa rin.

"Zenith, hindi ka na ba maglalaro?"

"Yeah.  My injury had gotten worse." He even show his lame acting. Hinawakan niya ang braso na parang masakit iyon.

Ang sabi niya tinamad na s'yang maglaro kaya ipapaubaya na lang daw iyon sa grupo niya.

Her Dauntless Eyes √Where stories live. Discover now