Kabanata 38

73 5 3
                                    



         Weekends. I wasn't planning to go out but Rich called me. Nagpapasama siyang pumunta sa Emerald Hotel, which is an hour drive away.

Bumaba ako ng Ztower. Nakasuot ako ng baggy pants at simple white shirt at puting sneakers. Kagabi lang ako lumipat sa dating condo ni Zeus. Ipinaalam ko na iyon kay Tito Z kahit tutol ay wala siyang nagawa. Paglabas ko ng elevetor ay may natanaw na akong red BMW sa labas. Lumang model iyon pero parang bago pa rin dahil sa kulay.

Lumabas agad si Rich sa sasakyan pagkatapos akong makitang lumabas sa glass door ng Ztower.

"Grabe! Nagulat talaga ako nang sabihin mong dito sa Ztower kita sunduin. Ang yaman mo pala talaga? Hindi ko afford ang bumuli ng unit diyan. I heard namatay na raw yung may-ari diyan."

Nagkibit balikat ako. Ayoko ng pahabain pa ang usapan. Lumapit ako sa passenger door at binuksan iyon.

"Ano bang gagawin natin do'n?" tanong ko sa tinatamad na boses.

"Chill. Itutour kita sa Emerald Hotel. Alam mo naman Head Manager ang Daddy ko ro'n. Ihahatid lang natin itong kotse kasi gagamitin ni Daddy sa business trip niya nextweek. Mag-commute na lang tayo pabalik. No worries, libre ko."

Wala akong nagawa kundi ang tumango. Sumama na ako dahil anumang oras ay baka dumating si Tito Z sa condo ko at distorbohin ang pahinga ko. He would wear that pinky apron again and clean the entire unit. God!

Sa buong biyahe ay marami nang naikwento sa akin si Rich tungkol sa buhay niya at hindi niya alam nakatulog na ako sa sobrang antok.

Naalimpungatan lang ako nang maramdaman kong tumigil na ang sasakyan.

"Nandito na tayo! Look! Ang gandaaa ng Hotel 'di ba?"

Umayos ako ng upo at napatingin na rin sa labas ng sasakyan. Hindi pa namin kita ang buong Hotel pero mala engrande naman ang bungad.

"Ito pa lang ang pang-apat na punta ko rito. Pero excited pa rin ako tuwing nandito ako. Alam mo bang nanalo ang Daddy ko ng ticket noong anniversary ng Hotel nila. Limang araw kaming nag-stay rito nila Mama at libre pa. Hindi ba mayaman ka? Imposible namang hindi ka pa nakapunta rito." Pagkarating namin sa entrance ng Hotel ay sabay kaming bumaba sa sasakyan.

"I did, once," sabi ko pero hindi ko na naikwento kung kailan dahil papalapit na kami sa front desk ng Hotel. Mukhang ka close pa ni Rich ang mga staff dito dahil nakikibag biruan pa sa dalawang babae. Ipinaalam agad ni Rich ang pakay namin dito. May tinawagan muna ang front staff bago kami sinabihang maghintay muna kami sa waiting area dahil bababa na ang Head manager nila.

Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko ang buong pangalan ni Richard.

"Daddy! Huwag mo akong tawaging Richard dito. Nakakahiya," maarteng sabi niya sa hindi katandaang lalaki.

"At bakit, iyon ang pangalan mo sa birth certificate mo maliban na lang kung pinalitan mo na ang pangalang binigay sayo ng iyong ina. Itatakwil ka no'n panigirado."

Napatayo na rin ako para harapin ito.

"Syempre, Daddy, no. Baka itakwil pa ako ni Mommy no!"

Natawa ang matanda sa sinabi ni Rich saka ako napansin sa likod ng anak at tumingin muli kay Rich.

Napansin naman iyon ni Rich 'saka nilapitan ako para ipakilala. Pinagmasdan ako ng mabuti ng kanyang ama.

"Dad, siya pala 'yung sinasabi ko na bagong friend ko, intern din siya sa Python Co.,"

Napangiti to at nagpakilalang ama ni Rich. Tumango lang ako. Naipakilala na ako kaya hindi na kailangan pang sabihin muli.

"Akala ko pa naman ay bumalik ka na sa pagiging lalaki at nakabingwit ng magandang dalaga."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Dauntless Eyes √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon