Kabanata 9.1

129 8 0
                                    



Helliza's Point of view
(Alyssa)


               Halos dalawang oras na rin akong umiikot para mag-serve ng inumin sa mga guests. Eksperto kong binuhat ang tray gamit ang isang kamay pabalik sa counter para mag-refill ng panibago.

Kaninang magsimula ako sa trabaho ay hindi ako nilulubayan ng isang tingin. Kahit hindi ko lingunin ay alam ko kung sino iyon. He was the only one who can give me uneasiness.

But this time, parang may kakaiba. Pagbaling ko sa direksiyon kung saan nakaupo ang lalaking iyon ay lihim akong nagulat. Nandito rin pala si Athena ngayon. Akala ko ay sa ibang party siya dadalo. Ang nakakagulat ay kasama niya pa ang mga pinsan.

Tumango ako sa kanila. Bago ko sila talikuran ay binigyan ko nang huling sulyap si Hades. Nagtama ang mga mata namin. Siya ang kanina pa pinapanuod ang bawat galaw ko.

Bahala na sa mangyayari mamaya.

Tumalikod na lang ako at pumunta sa may counter. Wala namang nakabantay na supervisor sa amin, hindi nila mapapansin kung uupo lang ako rito.

Umupo nga ako sa may stool at pinanuod ang mga bisita sa party na ito.

Maingay, masaya ang lahat. Paano pa kaya kung masira ang party na ito.

It will be fun, right. Tutal wala namang kwenta ang party na 'to. It was just a front.

Hinanap ng mata ko si Hades. Nandoon pa rin sila sa dating puwesto. Malayo ang distansiya sa kanya ng mga kasama. Parang sanay na silang huwag siyang tabihan. Nakakahawa kasi ang maitim na aura na bumabalot dito. Wala nga siyang kausap kun'di ay sarili lang yata. Napansin kong may hinahanap ang mata niya.

Napangisi ako.

Medyo madilim sa bahagi ng counter bar kung nasaan ako. Hindi niya ako makikita sa puwesto ko.

Bigla ay may humarang sa paningin ko. Gusto kong magreklamo ngunit nauna pang magreklamo ang taong nasa harap ko.

"Hoy! hindi ka pinapasweldo para umupo lang d'yan. Isusumbong kita kay Ma'am Hera."

"Ahh..." Akala ko ay ang supervisor na namin ang dumating.

I looked at her, not slightly affected. Napapansin kong madalas siyang mairita sa presensiya ko. Sa lahat ng katrabaho ko ay siya lang ang 'lagi akong pinupuna.

Bakit hindi na lang niya gawin ang gusto niya.

Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakaupo sa stool. Hindi s'ya ang nagpapasweldo sa akin kaya wala siyang karapatang sitahin ako. Hindi sweldo niya ang mababawasan kun'di sweldo ko.

Aba! Kung naiinggit siya pwede niya akong samahan. Maupo siya sa tabi ko, edi nakaupo kaming dalawa. Tapos!

Sa inis niya ay tinalikuran niya ako. Nang mawala na siya sa paningin ko ay inilabas ko ang cellphone sa bulsa.

I texted someone.

Kumuha ako ng wine sa may tray, pinaikot sa palad 'saka iyon ininom.

Wala pang isang minuto ay namatay ang ilaw sa paligid agad na tumayo pagkatapos. Naglakad ako patungo sa may pinto.

Natigil ang masayang kwentuhan ng mga tao dahil sa pagkawala ng liwanag sa loob.

Nagkagulo sila halos magkanya - kanyang labas ng mga gadgets para magkaroon ng liwanag. Natataranta sila sa pagkawala ng liwanag. Nakakatuwang marinig ang pagkabahala nila sa nangyari parang kanina lang ay wala silang pakialam sa kanilang paligid.

I heard Marco Marquez shouted his bodyguards to see what's going on. Nag-uunahan naman sila para tignan kung ano ang nangyari. Sa loob ng party lang na ito walang ilang.

Her Dauntless Eyes √Where stories live. Discover now