Kabanata 17.1

133 6 0
                                    


Helliza


"Kuya Hades?!" bulalas ni Athena.

At parang gusto kong hagisan ng patalim si Zeus na iniiwasan ang matalim na titig ko.

Si Hades pala ang tinutukoy niyang kaibigan kanina. Pagkarating pa lang namin sa Elysian mall ay mas lalong nagpatotoo ang hinala ko nang bumungad siya sa amin. Halatang kagagaling lang niya sa trabaho dahil sa suot.

"Hades, hindi ba't manlilibre ka ngayon, tara na." Inakbayan niya si Hades at nagpatiuna sa pagpasok sa loob ng malaking mall.

Nagsalubong pa ang kilay ni Hades na mukhang walang kaalam - alam sa nangyayari. Sumunod kami sa dalawa.

Nasa escalator na kami ay nakahalukipkip naman si Athena habang nakatingin sa likod ni Hades. Nalingunan niya akong nakatingin dito at tumabi.

"My cousin is outside." bulong niyasa akin.

"Yeah, I can see that."

"No, you don't understand. Kuya Hades is a man cave. Hindi siya palalabas. Maliban na lang sa trabaho o kasama niya ang mga pinsan ko," nababahalang pahayag niya. Nakarating na kami sa pang-apat na palapag. May alam daw na masarap na kainan si Zeus dito.



"So," balewalang sabi ko. Hindi ko makuha ang punto niya.

Bago pa siya may sabihin ay pumasok na kami sa loob ng isang Restaurant.



Iginaya kami ng isang waitress sa table for four. Inaasahan ko nang magkatabi ang dalawa. Pinaghila ni Zeus si Athena ng upuan. Napapikit ang mata ko sa dalawang ito.

Umupo ako sa harap nila gano'n din si Hades na walang imik. Sinadya kong sa harap ni Zeus umupo pero ang kumag ay iniiwasan talaga ako.

Ang kumag pa ang boluntaryong nag-order ng pagkain na hindi man lang tinanong ang opinyon namin. Lahat ng nasa menu ay pinalista na niya.

Nagkasikuhan pa kami ni Hades. Binalingan niya ako at nagpatay malisya na lang ako.

Pagkatapoa naming kumain sa Restaurant ay nag-aya naman si Athena na mag-ikot kami.







NANGHIHINA akong napasandal sa glass window ng isang store. Nakasunod lang ako sa tatlo kanina nang makaramdam ng matinding pagkahilo.

Hinawakan ko ang sentido, may naririnig akong nag-iisang linyang tunog sa utak ko. Maging ang paningin ay nanlalabo na. Napamura ako sa isip at mukhang hindi ko kakayanin ang sakit na unti - unting umaatake.

I feel severe headache.

Kahapon pa masakit ang ulo ko ngunit hindi ganito katindi.



"Miss. Okay ka lang ba?" tanong ng isang babae.

"Yes," sagot ko sa nanghihinang boses. Pinilit kong maglakad kahit nanlalabo na ang paningin ko.

I almost stumbled in my walk when someone grab me from my shoulder. At pabigla niya akong binuhat.

Bloody Hell! Who the fuck is this!



Teka alam ko ang amoy na 'to. Inamoy ko ulit. Naramdaman kong nanigas siya.



Shit! This is not a good idea! Fuck that Zeus! He knew from the start that I'm feeling sick. Nagkita kami sa Grim's Bar kagabi at nasabi ko ritong masakit ang mata. This is a trap!

I sighed heavily.

Isinandig ko ang ulo sa balikat ni Hades. Mamaya ay baka lagnatin na ako. Hindi naman ako mabilis magkasakit. Isang beses sa isang taon lang ako dapuan ng lagnat. At ito na 'ata ang isang iyon. Sana ay ihatid niya ako sa apartment bago pa ako may gawing hindi maganda sa kanya.

Her Dauntless Eyes √Where stories live. Discover now