Kabanata 15.1

135 8 0
                                    


Athena

                PAGKATAPOS naming makita si Zues na pinapahirapan ng Dean nila kanina ay hinila ko na si Alyssa rito sa cafeteria. Akala ko ay ako lang ang gutom dahil napadami 'ata ng order si Alyssa. She's fond of eating fast foods. Healthy food is a big no to her.

Napansin kong nawala ang ingay sa paligid namin. Kanina lang ay may mga sariling mundo. Iyon pala ay dumating si Denisse kasama ng mga kaibigan niya. Idagdag mo pa ang lalaking kasama rin nilang naglalakad papasok.

If I'm not mistaken the guy is the son of a not well known senator. Nasa itsura ng lalaking kasama nila ang pagyayabang. Kilala ko siya dahil minsan na siyang nagtangkang ligawan ako noon.

Narinig ko kanina na hatid sundo si Denisse ng lalaki. Hindi mahirap makakuha ng impormasyon sa paligid. Sa araw - araw 'ata may bagong hatid na balita ang mga studyante ng ZU. Hindi nakapagtataka.

Si Denisse siguro ang bago nilang pinag-uusapan ngayon.

Narinig ko rin kanina ang pagwawala raw niya sa Elysian mall kasama ng mga kaibigan niya noong nakalipas na linggo. Naghakot daw sila ng maraming damit pero hindi nila nagawang bayaran. Dahil sa kahihiyan ay napa-walk-out sila. Kalat pa nga iyon sa social media at dahil ginagamit niya ang pangalan ng Mallari ay mas lalo siyang pinag-usapan.

Ang ginawang rason pa raw niya ay pinutol daw ng kanyang ama ang mga cards niya dahil sa nasuspend siya. Hindi kapanipaniwala ang sinabi niya, kilaka sila bilang maluho at kung saan - saan nagtatapon ng pera.

Tahimik na sana kami sa mesa namin ni Alyssa. Ang ginawa ni Denisse ay pinaalis ang grupo ng studyante sa kabilang mesa. Nasa dalawang mesa ang layo nila sa amin kaya nakita ko kung paano niya paalisin ng sapilitan ang mga ito. Kung umasta ay parang pag - aari nila ang lugar. Ang lalaking naman ay sinipa ang paa ng mesa dahilan para matakot ang mga naka-upo ro'n at magsialisan na.

Umiling - iling ako sa nasaksihan. Itinuon ko ang atensyon sa pagkain at binalewala ang nangyari. Napatingin ako kay Alyssa na parang balewala ang lahat. Hindi yata maganda na nandito kami kapag nakita nila si Alyssa baka magkagulo na naman. Alam kong gaganti sila Denisse sa nangyari sa mga sasakyan nila.

Hindi ko naman alam na pupunta sila rito dahil hindi talaga sila rito madalas kumain.

Maybe she was really broke. Napansin ko kasing ang anak ng senator pa ang nagbayad ng mga inorder nila.

Tumayo ulit ang anak ng senator. If I remember correctly his name is Tj Padilla. Ngunit sa pagtayo niya ay nakita niya ang pagsulyap ko rito.

Napangisi siya nang makita ako. Bigla akong kinabahan. Noon pa man ay ayoko na sa hilatsa ng pagmumukha niya. Nakakasuka ang paraan ng pag ngisi niya sa akin.

"Hi," maangas na sabi ng isang lalaki na lumapit sa kanila walang iba kundi si Tj Padilla.

Napatingala ako rito kasabay ng pagtaas ng kilay.

"I saw you staring at me." Kinilabutan ako sa sinabi niya. Malaki pa rin pala ang kumpiyansa niya sa sarili. Nagpapasalamat ako noon na tinantanan niya ako sa panliligaw niya. Pero mas yumabang na siya ngayon.

"I'm sorry but I wasn't staring at you,"

tanggi ko sa sinabi niya. Mahiya naman siya.

Kampante naman si Alyssa at parang ealang distorbo sa amin.

"That's not what I saw a while ago."

What's his point that I was looking at him because I like him? He's so full of himself.

Her Dauntless Eyes √जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें