Kabanata 22.1

138 6 0
                                    


Athena Demetrius's Point of view

          Sa pangalawang laro ay nagpalit na ng court ang dalawa. Halatang pagod na si Carmy. Ganon din ang nangyari sa akin kahapon.

Seryoso ang laban sa pagitan nila. Kanina pa ako namamangha sa mga galaw ni Alyssa. I didn't know she is that good at this sports.

Narinig ko pa lang ang pag-announce ng pangalan niya sa speaker kanina ay nagulat na ako. Hindi rin alam ni Zeus na maglalaro si Alyssa ngayon bilang substitute ng Department nila.

Hindi lang ako kundi maging lahat ng nanonood sa tennis court ay namangha rin. Walang sinuman ang gustong kumurap sa nangyayari. Sunod-sunod ang pagpuntos ni Alyssa.

"Hey,sis. Can you make it faster. I'm already hungry!"

Nakatanggap si Zeus ng mahihinang batok dahil sa pagsigaw niya.

The crowd is silent, tanging ang ingay ng pagtama nila ng bola ang maririrnig, yet he ruined it.

"Shut up, Zeus. Baka matalo pa si, Alyssa sa ingay mo," inis na sabi ko rito.

"Hey! Believe me she will win. Didn't you guys noticed. Maingat niyang ibinabalik sa kalaban ang bola, just like what Carmy did to you yesterday. Hindi na niya nahahabol ang bola dahil pinipigil na siya ng binti niya. Kapag sinusubukan niyang abutin ang bola ay mabilis iyong lumalagpas sa kanya. Napansin na iyon ni Alyssa kahapon. Carmy think she was smart but she drink her own medicine. Alyssa is smart, she knew how to calculate things. Sinadya man ni Carmy ang nangyari kahapon ay wala akong pakialam. Alyssa already has a plan," mahabang paliwanag niya. Napapa-isip na lang kami sa sinabi niya. Kung nandito lang si Cage ay siguradong sasang-ayon din siya. Magaling din kasi ang pinsan na magbasa ng sitwasyon.

Ngunit anong palno naman ang sinasabi niya?

Kaya pala nanghihina na si Carmy kahit hindi pa nakalahati ang laro. Lahat ay sa net pinapatama ni Alyssa. Hinahabol naman iyon ni Carmy pero kapag natatamaan ay napapalakas ang tira niya sa bola. Nagiging agresibo na rin siya.

Napansin ko ang biglang pagtayo ni Kuya Hades sa Player's seat. Umalis na naman siya. Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako sa ikinikilos niya. Ilang beses na ba akong nagulat sa araw na ito?

Hindi ko rin mapigilan ang kilig kanina nang abutan niya ng inumin si Alyssa. May gusto ba siya sa kaibigan ko?

Gusto ko mang tanungin si Hades ay hindi naman kami gaanong close.

"Hades! Where are you going, Lover boy?" tawag dito ni Regal, nasa tinig ang pang - aasar sa kaibigan, but Hades didn't turned his head.

"Out!" sigaw ng Empire.

"OUT!"

"1 Lab!"

Nagsigawan ang Department ni Alyssa. Kanina lang minumura pa ito dahil hindi siya makatira.

"Ka-block ko 'yan!"

"Go BM! Go BM!"

"Go! Craig!"

"Panalo na kami!"

"Kapag napanood 'to ng coach ng Tennis club baka pilitin niyang sumali si Craig"

"Hindi ba't siya iyong scholar na kaaway ni Denisse?" tanong ng isa sa kanila

"Alam niyo bang Dean's lister siya. Siya rin ang madalas na unang natatapos tuwing Exam."

Of course! Matalino kaya ang kaibigan ko.

Ilang minuto ang lumipas ay bumalik muli si Hades at umupu sa Player's seat.

Malamang na hindi lang kami nagtataka sa pagtabi niya sa kaibigan ko.

Her Dauntless Eyes √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon