Kabanata 21

151 7 0
                                    

        
          IN THE end, Criminology pa rin ang nanalo. Dahil mas lamang na sila at malapit na rin matapos ang oras.

Hindi na ako sumunod sa kanila sa paghatid kay Athena sa Infirmary.

Umalis na ako sa court pagkatapos kong marinig ang pag-uusap kanina.

Isang mahihinang yabag ang narinig ko. Huminto ako at lumingon sa likod ko.

Saglit akong natigilan nang makaharap siya, si Hades pala ang nakasunod sa akin. I met his dark eyes.

"Are you following me?"I blurted.

"No. I was looking for the comfort room," he said without giving me any reaction.

"Natatae ka?" sabi ko na may halong pagbibiro.

Nagsalubong naman ang kilay niya sa sinabi ko.

"What? No!?"

"You're not a good liar," I scoffed.

"What about you, are you a good liar?" Huh?

Pinapatamaan ba niya ako? May laman kasi ang sinabi niya. Wala pa akong sinasabi rito ay may nag-ingay na.



"Alyssa Creed!"

Nakarinig ako ngmalakas na pagtawag mula sa likod ko.

"Alyssa!"

Hades raised his eyebrow while eyeing at me oddly. Nagtaka ako kung para saan iyon.

"Alyssa! Kanina pa kita hinahanap," ani na naman ng isang papalapit na boses.



Sino bang Alyssa iyon?! Naiinis na ako sa sigaw ng tumatawag dito.

"Alyssa?"

Bloody Hell! Nilingon ko ang sumisigaw kanina para sana sitahin ngunit napatigil ako nang may maalala.

Ako pala 'yon.

Anak ng.. muntik ko ng ipahamak ang sarili sa harap ni Hades.





"Alyssa, kanina pa kita tinatawag," bungad sa akin ni Jean. Kukulitin na naman niya ako 'gaya noong isang araw.

Nag-angat siya ng tingin kay Hades na na katabi ko lang tapos ay tumingin na naman sa akin. Nagtataka siguro kung bakit kami magkasama. Hindi ko kailangan magpaliwanag sa kanya.

"Anong kailangan mo?" tanong ko kahit alam ko na ang dahilan ng paglapit niya.

"Ahm.. kasi may injury iyong player natin sa women's single," panimula niya. Panay ang sulyap sa katabi ko.

Pakialam ko naman. Doctor ba ako?

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Ang bagal niya kasi magsalita.



"Eh.. kasi ikaw ang nailagay kong substitute. Ang sabi kasi ni Dean Merde ikaw ang ilagay ko roon."



Napailing ako.



"Alyssa. S-Sabi pala ni Dean ibabalik daw niya ang thesis mo kung hindi ikaw ang maglalaro bukas."

Blackmail.

Sabi ko na nga ba't hindi ako makakaligtas kay Dean Merde. Basta manalo ang department namin ay gagawin niya ang lahat.

Naalala ko ang narinig kanina sa court.

"Sino ang naka-schedule bukas?"



"Iyong nanalo kanina, Criminology Department. Pumapayag ka na ba?" tanong niya.

Her Dauntless Eyes √Où les histoires vivent. Découvrez maintenant