Kabanata 23.2

128 7 0
                                    

Athena

            WALA pa si Alyssa sa campus. Dapat ay nandito na siya bago pa magsimula ang itinakdang oras ng laro niya. Kanina ko pa sinusubukang tawagan pero out of reach pa rin ang sumasagot. Hindi naman kaya nawala na naman ang cellphone niya?

Actually, nasa court na kami at nasa bench na rin ang Dean nila Alyssa. Halatang hindi siya mapakali uupo at biglang tatayo. Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang laro. Naiinip na rin ang mga studyanteng kanina pa naghihintay.

Kanina pagdating namin ay nauna pang dumating sina Achylles at Regal. Nakakatawa dahil naka-maroon ang dalawa. Si Zeus naman ay sinundo ako kanina.

Kararating din ni Hades. Nandito na kami sa dating pwesto namin kahapon. Maayos na rin ang natamaang binti ko. Nagkapasa lang 'yon ng malaki pero hindi naman na masakit.

Napapansin ko ang pagiging tahimik ni Kuya Hades ngayon. Well, tahimik naman talaga siya. 'Iba lang ngayon ang aura niya hindi ko maipaliwanag.

"Nasa'n na kaya ang babaeng 'yon!" bulalas ni Zeus.

"Hindi rin niya sinasagot ang tawag ko." sabi ko rito.

"Mahuhili na naman siguro 'yon. Late rin siya kahapon, hindi ba?" sabi ni Achylles

"Baka naaksidente si Alyssa papunta ritk!" OA na reaksiyon ni Regal. Hindi namin siya pinansin.

Nakakatuwa ang pagiging supportive nila sa kaibigan ko. Sayang lang at hindi na ako nakasali dahil sa nangyari sa akin.

Mas lalo namang hindi mapakali si Zeus sa kinauupuan. Pasulyap-sulyap siya sa entrance ng court.

Ang Dean naman nila Alyssa ay tumayo para kausapin ang Empire para humingi ng ilang minuto sinabi niyang medyo late ang player nila. Narinig naming binigyan pa siya ng sampong minuto kung wala pa 'to ay disqualified na. Automatic nang mananalo ang kabilang panig.

"Shit! Hindi siya tumawag sa'kin kahapon," Zeus mumbled. Halata ang pag-aalala para sa pinsan.

Ilang segundo lang ay umingay ang paligid.

Dumating na ang kanina pa namin hinihintay. Si Alyssa!

Nakahinga ako ng maluwag.

Tumayo ako para kunin ang atensiyon niya. Papalapit siya sa Dean nila.

Nakasuot si Alyssa ng itim short na hanggang tuhod niya. Ganoon din ang damit, naka longsleeve siya na pinailaliman ng T-shirt. Tirik ang araw at para akong mahe-heatstroke sa suot niya. Nakasukbit naman sa kaliwang balikat ang racket bag niya.

Tumabi na muli ako kay Zeus. Bumalik na rin sa normal ang mukha niya na kanina ay puno ng pag - aalala.

Nakita namin lahat na malakas na tinapik si Alyssa sa balikat ng Dean nila. Ngumiwi siya 'saka ko napansin ang pagiging maputla niya. Pinagsabihan pa siya dahil sa latena naman siyang dumating. Si Alyssa naman ay parang walang narinig at umupo lang sa bench.

Inilabas niya ang raketa mula sa bag. Nagsalita ang Empire na magsisimula na ang laro. Uminom muna ng tubig si Alyssa bago tumayo. Kakaiba ang mga ikinikilos.

Ang katunggali naman niya'y nag - stretching muna bago sumunod din sa gitna.

Pareho na silang sa gitna ng net. Her opponent raise her hand for a handshake. To my surprise, Alyssa, ignored it and turned her back. Nayabangan dito ang kalaban niya kaya umirap na lang. Wala lang siguro siya sa mood.

Nagpito ang Empire sa pagsimula ng laro. Alyssa is the first to serve the ball.

Nasa kaliwang kamay niya ang bola habang hawak sa kanan ang raketa. Mahina ang pagtira niya halos hindi umabot sa net. Inilipat sa kaliwang kamay ang raketa.

Nagpasahan sila ng bola. Kapansin pansin ang mahihinang tira ni Alyssa.

"For the win, Alyssa!" I shouted.

Sumabay naman ang mga manonood ng marinig ang pagsigaw ko.

"Woooh! Go BM!"

"Alyssa! Alyssa! Alyssa!"

"Go Craig! !"

"Go EDUC!"

"PANALO NA KAMI!"

"Umuwi na kayo Educ!"

"Go Anasthasia!"

"Go Alyssa!" sigaw ko uli para mangibabaw ang cheer ko kaysa sa kanila.

Hindi ko napapansin ang pagiging seryoso ng katabi kong si Zeus nakatutok lang ang mata ko sa court.

Kasama ko sila Achylles at Regal sa pagchicheer.

Nagsigawan kami ng matapos ang laro. Alyssa won.

Alyssa look exhausted.

Inabutan siya ni Dean Merde ng tubig.

Tumalon - talon kaming tatlo nila Regal. Nang matapos ay agad kong hinanap si Alyssa para batiin pero nawala na siya na parang bula.

"Where is Alyssa?" tanong ko habang pilit na hinahanap si Alyssa sa ilang taong palabas.

"Nagmamadali siyang umalis," Zeus answered.

Baka gutom na iyon. Siguradong nasa foodcourt siya. Inaya ko silang pumunta roon.

Nasa foodcourt na kami pero ni anino ni Alyssa ay hindi namin nakita.

"Bakit wala siya dito?" I said. Inilibot ko na ang tingin sa bawat foodstand at table na naro'n hindi ko pa rin siya makita.

Nakaupo lang kami ro'n. Napatayo ako ng matanaw ko ang kaklase ni Alyssa na si Jean.

"Jean."

"Miss Athena! Bakit po?" Gulat naman na tanong niya. Lumapit siya sa akin. Parang na- starstruck pa.

"Athena na lang, Jean. Gusto ko lang itanong kung nakita mo si Alyssa. Bigla kasi siyang umalis pagkatapos ng laro," paliwanag ko.

Tumingin muna siya sa likod ko bago sumagot.

"Ah.. nakasalubong ko siya kanina sa building namin papunta siguro sa opisina ni Dean, Miss- A-Athena." tugon agad niya.

Tumango naman ako rito at nagtanong ulit.

"Talaga. Anong oras kaya ang sunod na game niya mamaya?"

"12:30 pa po. 2:30 naman ang championship." aniya.

"Okay. Thank you, Jean." Nginitian ko siya pagkatapos pagpasalamat.

"You're welcome po, A-Athena. Uhm 'Alis na po ako may gagawin pa kasi ako," paalam niya at timango lang ako rito.

Ang galang naman niya. Magkaedad lang naman kami. Nagpasalamat pa ako uli at kinawayan ko siya.

Bumalik ako sa pagkakaupo sa tabi nila.

"Nasa opisina raw ng Dean nila si Alyssa," I informed them.

"Baka hindi pa siya kumain kaya binilhan ko siya ng snacks." Ngiti-ngiting sabi ni Regal. Habang pinapakita ang isang plastic ng pagkain.

"Umorder naman ako ng pizza para sa kanya," dagdag namang sabi ni Achylles at itinaas ang malaking karton ng pizza. Nayabangan pa ng tingin ang dalawa.Sa tingin ko ay ginawa lang nila ito para asarin ang isa't isa.

Naiiling si Zeus sa dalawa, "You guys are crazy."

Napailing rin ako sa pinaggagawa nila.

Nagmeryenda lang muna kami ay nag-usapa habang nagpapalipas ng oras. Hindi ko na hinanap si Alyssa dahil baka busy siya. Nanuod na rin kami ng ibang laro. Hindi na namin kasama si Kuya Hades dahil may panandalian pa siyang meeting at babalik daw siya mamaya.

Napansin kong may mga outsider sa campus namin. Halatang galing sa ibang University ang mga ito. Hindi lingid sa kaalaman ng iba na nanrito ang mga pinsan ko. Bukod sa single ay pinuputakte talaga ng.mga fans. Mabuti na lang at maayos akong nakakanood ngnlaro kahit kasama ko sila.

Nasisiguro ko rin na may media sa labas ng Uni namin at hindi makapasok dahil sa mahigpit na security sa labas. Hindi na ako magtataka kung may mga nakapasok. Gumamit siguro ng koneksyon sa loob para makapasok at makita ang lima sa pinakamayamang  angkan sa bansa.

Her Dauntless Eyes √Where stories live. Discover now