Kabanata 15.2

133 6 0
                                    


Bakit siya nandito?

Kanina lang ay binibigyan siya ng leksiyon ng kanilang Dean. Tumakas ba siya?

Kung gagawin niya iyon ay hindi na naman siya makaka-graduate kahit sa kanila pa ang unibersidad na 'to.

Huminga siya ng malalim.

"Hell. Can you call someone for me." Zeus muttered. Why does he always call her ' Hell'?

"Zenith, may nakakalimutan ka 'ata, don't you think? You'll be punish if you continue doing this. Hindi ko rin alam na utusan mo na pala ako ngayon."

Punish? Paparusahan na naman ba siya ng Dean nila?

"I know. Just give them a signal to get this asshole out of here. Please,," pakiusap pa niya.

Wow. Pang-ilan na ba niyang please iyon. At nalilito na ako sa nangyayari.

Bigla akong binuhat ni Zeus kaya napayakap ako sa leeg niya.

Naiwan si TJ na nakahandusay sa sahig. Nakasunod nama si Alyssa sa amin palabas habang hawak ang cellphone sa tenga.

Agad kaming nakarating sa loob ng music room. Akala ko ay dadalhin niya ako sa clinic dahil tulala pa ako sa pangyayari. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay gano'n ako tuwing makakakita ng dahas sa paligid ko.

Inalalayan niya akong umupo sa kahoy na upuan. Inabutan niya ako ng bottled water na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Hindi ko pa rin magawang magsalita . I can feel Zeus is  gazing at me. Palihim akong napalunok. Nakaluhod nanaman ito sa harap ko habang nakaupo ako.

"How are you feeling?" tanong niya, ang boses niya ay may pag-aalala.

I bit my lips. Pinag-aralan muna niya ang buong mukha ko bago siya bumaling kay Alyssa.

"You should've stop them!" may halong inis na sabi.

"Pinadalhan na kita ng mensahe,Z. Maayos na ang prinsesa mo. Don't put the blame on me," sarkastiko ang boses ng kaibigan kay Zeus.

"What if they already punch her! What the heck!" sigaw niya. Nag-echo pa iyon sa loob ng kwarto. Mukhang hindi naman apektado si Alyssa. Ayoko silang mag-away dahil lang sa nangyari kanina.

"Pinaaalahanan lang kita, Zenith. Keep your part of the bargain," mahina at may pagbabanta na ang tono niya kay Zeus. Nagulat ako dahil doon.

Frustrated naman na napahilamos si Zeus sa mukha lalo na't medyo pawisan pa siya sa pagtakbo kanina.

"Handa na ako sa mga pwedeng mangyari," turan niya na parang nakagawa na ng desisyon.

Handa sa ano?

Ngumisi si Alyssa.

Zeus interwined our hands. Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya. Tumitig siya sa akin at naguguluhan ako kung para saan ang tingin niyang 'yon.

Alyssa cleared her throat. Pinapaalalang na narito pa siya.

Napayuko ako at hinila ang kamay mula kay Zeus. Nakaramdam naman ako ng hiya.

"If you continue doing this, you'll die painfully. Pero wala akong pakialam kung gusto mo nang mamatay," Alyssa warned.

Seriously, what are they talking about? Hindi pa ako nakakamove-on kanina at parang may rebelasyong mangyayari.

"I know my duty, Alyssa. Just let me keep her, please. Hindi ko siya kayang tignan na kahit alam kong may galit s'ya sa akin. Nanghihina ako tuwing inaasar ko siya kahit masakit pa rin ang loob niya. Natatakot akong mawala siya sa akin. She needs to know," Nasa tono niya ang pagmamakaawa.

Her Dauntless Eyes √Onde histórias criam vida. Descubra agora