Kabanata 37

50 5 0
                                    


Helliza

          "Ihhh! Jaz, nakasalubong ko si Hades sa may comfort room!" Sa lakas ba naman ng tili niya ay napapalingon na ang mga empleyado sa inis. They both giggled like teenage girls.

"Ako rin! Tumingin siya sa pwesto natin kanina! Napansin kaya niya ako?!"

Napairap na lang si Rich sa dalawa. Pero hindi ata nakatiis. Nakapameywang na hinarap ang dalawa.

"Hoy! Mahiya naman kayo sa mga employees dito, naririnig 'yang mga kalandian niyo. And one more thing, mga bruha, hindi kayo papatulan no'n. Engaged na 'yung tao," sabay talikod.

Both girls just make a face with Rich's statement. Parang kanina lang ay naghugis puso rin ang mata niya nang makita si Hades sa board room. Umatras 'ata ang kilig niya dahil natakot siya sa madilim na mukha ni Hades kanina.

Bumalik si Rich sa harap ko at inis na hinila ang upuan. Kung ako sa kanya hindi ako mag-aaksaya ng oras para patulan pa ang dalawa. I'm here for my internship not to act like a highschool gangster.

"Alam mo, Alyssa, ang ganda ganda mo pero kung mag-aayos ka mas matatalbugan mo ng 90% ang dalawang 'yan. Make-up lang ang kinaganda nila ha!"

I half smiled. I wasn't thinking right today, so I don't know how to respond. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang mata ni Hades kanina. It was dark and full of ..hatered.

Nag-aayos kami ng folder, accordingly, nang lumapit si Ms. Vera sa amin.

"Interns, tapos na ba kayo riyan? I'll introduce you to our BOD and the CEO. It's a good opportunity for you. Baka isa sa inyo ang mapili nila para maging regular employee rito."

Nanlamig ang kamay ko at parang aatras na ang sikmura ko kung hindi lang ako hinila ni Rich patayo. Nagmamadali nang sumunod sila Stephanie kay Ms. Vera.

Hindi pa ako handa. I wasn't ready for anything yet. Facing Hades will be my worst nigthmare. Bloody Hell!

Bakit ba ako nag-apply dito at nagmumukhang duwag ngayong kaharap ko na siya. This is not me!

"Alyssa?" tawag sa akin ni Rich.

Bumalik ako sa realidad. We're about to go inside the room. Nang buksan iyon ni Ms. Vera ay naroon din ang ibang interns na na-assign sa baba.

Bago pumasok ay ibinalik ko ang blankong mukha. I walk inside without hesitation. Pero pagpasok ko ay parang nilalamig ang kalamnan ko. Hindi naman siguro dahil sa Aircon.

Iniwasan ko ang mapatingin sa gitna at diretso lang ang tingin ko. Ipinakilala na kami ni Ms. Vera isa-isa ay nanatili akong estatwa sa mga kasama ko. Panay ang ngiti nila na parang naghihintay silang mapili o ano.

Nagulat ako nang bigla akong itulak ni Rich sa gitna at harap ng mga BOD. Umatras siya ng bigyan ko siya ng nakakatakot kong tingin.

"T-Tinatawag ka ni Ms. Vera," bigla ay sabi niya.

Kakaiba ang pilit na ngiti no Ms. Vera.

"Ahm. S-Siya pala si Alyssa Craig. She's very effecient with her work. Mabilis siyang natatapos sa mga ina-assign kong trabaho. I also like to reccommend her--"

"We're not here for interview, Ms. Santiago. Dismiss."

Nakita ko sa gilid ng mata ang pagtayo niya.

Nagulat sila sa malamig niyang boses. Kanina ko pa iniiwasang salubungin ang mata niya at 'saka ko lang siya tinignan nang tumalikod na siya at lumabas ng board room.

Pagdating nang hapon ay bumaba na ako. Nauna na si Rich kanina. Inaasahan kong walang susundo sa akin pero nasa harap na ng gusali ang saksakyan ni Tito Z. Agad na bumaba ang driver at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.

Her Dauntless Eyes √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon