Kabanata 20.1

124 6 0
                                    



KASALUKUYAN kong nilalagyan ng lock ang bisekleta ko. Iniwan ko ulit iyon sa dating pinagparadahan kahapon. Mahirap na at baka pagtripan na naman nila.

Lumabas ako mula sa hidden garden.

I don't know why do they even call this hidden garden. It's not even hidden. Where's the logic on that.

Iilan na lang ang studyanteng nasa paligid. Ala - una na rin kasi ng hapon. Marahil ay nagkanya - kanya na ng panunood sa mga laro.

Umaalingaw - ngaw rin sa paligid ang sigawan ng mga manunuod sa kasalukuyang laro.

Habang naririnig sa speaker ang pag-announce ng mga nanalo sa mga naganap na laro.

Wala ako kahapon kaya hindi ko alam.kung sino-sino na ang nangunguna sa laro.

Kadarating ko lang din ngayon galing sa importanteng lakad. Tumawag pa nga si Athena para tanungin kung nasaan ako at ibalitang natalo siya sa ikalawang laban sa Educ Dep. pero nanalo naman daw siya sa ikatlo niyang laban.

Sinuportahan ko na lang siya sa mga kwento niya sa pagsagot ko ng ' okay'. Wala kasi akong maiambag pulos siya lang ang bumuhat. Mabuti na rin iyon dahil wala naman akong sasabihin.

Hindi ko alam kung kanino niya nakuha ang bagong numero ko marahil ay kay Zeus.

Halos sumabog na ang cellphone ko dahil sa minuminuto niyang pagtawag, para lang kulitin akong pumunta sa laban niya mamaya. Ales-tres pa naman iyon.

Napaaga lang ako dahil alam kong maglalaro ngayon si Zeus. Pinatanggal na niya ang cast kaninang umaga.

Alam ko iyon dahil magkasama kami kahapon at kaninang umaga. Maaga lang siyang dumating kaysa sa 'kin dahil maglalaro siya ngayon.

Nakarating agad ako sa Gym kung saan gaganapin ang basketball game.

It's Crim versus Engineering.

Namangha ako dahil madaming tao sa loob. Sa taas at pinakadulo ako pumwesto. Natanaw ko si Zeus na nakasuot ng jersey, numero tres na madalas number niya. Katabi niya naman ang teammates sa basketball na si Brix at nakikipagbiruan pa rito. Si Brix ay Engineering kaya siya nasa court ay dahil sila ang makakalaban nina Zeus.

Mukhang dalawang magaling sa team niya ang makakalaban niya sa kabila.

Tumayo na ang tatlong referee sa tabi ng court hudyat na magsisimula na ang laro. Sakto pala ang dating ko. Tumayo na rin ang first five sa magkabilang panig ng maglalaro at nagharap sa gitna ng court.

Si Zeus at Brix ang mag - aagawan ng bola. Ibinato na sa ere ang bola. Obviously, Zeus was the first to get the ball.

Ipinasa ni Zeus ang bola sa kasama na siyang unang pumuntos sa panig nila.

Mas lalong lumakas ang hiyawan naglipana ang mga cardboard. Halos hindi ko makita ang mga naglalaro dahil sa placard ng mga nagchi-cheer. Minalas pa at nasa harap ko sila.



Firsthalf pa lang ng laro ay lamang na ang Engineering.

Walang nakabantay kay Zues. Iniisip siguro nilang hindi siya makakapuntos dahil may injury pa siya sa kaliwang braso. Panay kasi siya pasa kapag napupunta na rito ang bola.

Ang kanang kamay lang ni Zeus ang madalas mag-dribble minsan lang ipasa sa kaliwang kamay.

Relax lang siya at hindi alintana ang lamang ng kabila. Halos si Brix naman ang makapuntos. Sa bawat pasok niya ng bola'y may ngisi sa labi na titingin kay Zeus. And Zeus being Zeus, he smirked.

Her Dauntless Eyes √Onde as histórias ganham vida. Descobre agora