Kabanata 31.2

127 8 2
                                    


Athena

          THE crowd is terrible!
I think this was the first party I attended with the most guests. It can be a world record, I must say.

Kararating lang namin ng pinsan kong si Cage. Sinundo niya ako kanina sa bahay dahil nauna nang umalis sila Daddy kanina kasama ni Mommy.

Actually, dumating din sa bahay si Achylles at Regal, nag - unahan pa raw sila sa kalsada para sunduin ako at maging date nila. Kaya lang mas naunang dumating si Cage kaya sa kanya na ako sumabay. Ayaw raw kasi nilang lapitan ng mga babae mamaya kaya panay ang dikit nila sa akin.

Iilan lang kasi ang mga nakakakilala sa akin kaya gusto nilang pag - agawan ako bilang date nila.

"Ang daming tao ah. Ano ba 'to may libreng kainan?" Malakantong komento ni Regal.

"Ikaw ba naman ang makapasok sa malaking Mansion ng Mallari, syempre mapapasugod ka rito. Did you know that this house was built during Jose Rizal's time? And an Spaniard designed this. And this was renovated before Don Apollo passed away with a Romanian Architect." Paliwanag niya.

Mas mukha ngang white house ang itsura ng Mansion na ito pero may pagka ancient ang dating.

Habang nakatayo kami roon ay pinagmasdan ko ang paligid.

Halatang umabot sa milyon ang nagastos sa party na 'to. Catering pa lang ay sa mismong Hotel pa ng Mallari. Nakita ko kasi ang mga main dish nila kaya alam ko ang bagay na iyon. Sa likod ng Mansion naganap ang party. Maaga nga kaming dumating pero may mas maaga pa pala sa amin.

"May announcement si Atty. Arthur kaya binuksan niya ang Mallari's Mansion. In my opinion baka ipasa na kay Marquez ang pamamahala sa lahat," ani Achylles na inililibot ang tingin sa paligid.

"Geez! No doubt about it." Regal agreed.

"Anyway, did you see Hades. Bakit wala ang madilim na aura niya ngayon. Nakita ko si Tita Aphrodite kanina pagkapasok natin," ani Achylles.

"Natakot siguro baka akala niya engagement party nilang dalawa ni Denisse ito."

Saka sila nagtawanan sa biro ni Achylles. Napailong na lang si Kuya Cage sa usapan nila.

Sa isang banda naman ay hindi matigil ang mga media sa pagtatanong sa pamilyang Marquez. Panay lang ang ngiti at pahumble nila.

Kung tama nga ang sinabi ni Achylles baka tuluyan nang mapasakanila ang buong resources ng Mallari.

Kung anu - ano pang rason ang sinasabi nila sa media kung para saan ang party na ito. Iyon pala ay si Attorney Arthur ang nagsagawa ng lahat.

Umupo lang kami roon at paminsan minsan ay nag - uusap habang hinihintay ng kaganapan.

Malawak ang likod ng Mansiyon kahit madaming bisita ay hindi naman siksikan.

"Ladies and gentleman. May I have your attention, Please."

We all looked infront of the stage. The others also stopped their conversations when their attention was drawn in front. I immediately saw the old Attorney in a formal suit. He had the microphone in his hand. He is sweating or more like nervous, he took out a handkerchief from his pocket.

Nang matapos magpunas nang noo ay muling siyang nagsalita sa harap habang inililibot ang tingin sa karamihan. Ang iba'y nakatayo pa rin at hinihintay ang susunod na sasabihin niya.

"I know some of you might still remember me. I'm Atty. Arthur Lucio the Mallari's Lawyer. For the past years I served them with my trust and loyalty, even now," he cut and looked everyone. Ang iba ay napatango bilang pagsangayon sa kanya.

Her Dauntless Eyes √Where stories live. Discover now