Kabanata 36

38 5 0
                                    

Helliza

        "Alyssa. Parevise naman ako nito." Basta na lang niyang inilapag sa harap ko ang tatlong folder ng files. Tumalikod siya agad at dumiretso sa may pantry para makipagchismisan sa kasama. Napataas kilay ako sa inasal ni Stephanie. And checking means entirely giving all her work to me.

Dalawang linggo na ang lumipas nang magsimula kami sa training namin. Stephanie notice how I always finish my work assigned to me. At kapag walang supervisor na nakasubaybay ay lalapitan niya ako at ipapasuyo ang trabahong naka-assign sa kanya. At first she was being kind ngunit paglipas ng ilang araw ay parang siya na ang pumalit sa posisyon ni Ms. Vera. I was not sure if she was jealous because Ms. Vera appreciates my work or tamad lang siya.

Binuklat ko ang isang folder 'saka napangisi nang makitang sample report iyon. Mukhang hindi niya alam ang gagawin dito kaya bigla na lang niyang ipinasa sa akin.

Pinulot ko ang tatlong folder saka lumapit sa bakanteng mesa ni Stephanie. Ibinalik ko roon ang folder. Dalawa silang naka-assign doon. Lugi na nga ako dahil lahat ng trabaho ko ay ako lang mag-isa. Silang tatlo ay parang kulang pa.

Pumunta ako sa comfort room pagbalik ko ay nakaabang sila stehanie sa station ko. Si Richard naman ay pinipilit ang dalawa na huwag na akong pilitin nangawin iyon dahil hindi ko naman trabaho iyon. Si Stephanie at Jazzy ang dapat na gumawa niyon.

"Rich, can you stop!Bumalik ka na lang sa table mo," sita rito ni Jazzy. Hindi nila ako napansin sa malapit.

"Eh, kasi, it's your work. You give her once, twice and now thrice!" Maarte at magulong sabi ni Rich. Bading kasi kaya minsan hindi magets ang kaartehan.

Lumapit na ako sa kanila at tahimik na umupo na parang wala sila sa harap ko. Nakasunod sila sa bawat galaw ko. Ilang sandali bumalik ang tatlong folder sa harap ko.

"Hey, di' ba pinagawa ko sayo 'to bakit mo binalik?" Hindi na ako nagulat sa attitude ng babaeng 'to.

"Ay, CEO ang drama," sabad ni Rich

"Bakit?" tanong ko.

"Ano?" inis na tanong ni Stephanie sa akin. Blangko ang mukha ko nang salubungin ko ang busangot na mukha niya.

"Bakit ko gagawin ang trabahong binigay sayo?"

Hindi niya inaasahang sasagutin ko siya. I was generous enough to help them but I won't give them satisfaction to slack off.

"Hindi porke mabilis ka matapos sa trabaho magyayabang ka na. Pinuri ka lang lumaki na ang ulo mo."

Lumipat ang ang tingin ko kay Jazzy. Itinago ko ang pigil na ngisi.

Nasa hindi kalayuan lang ang mesa namin sa mga regular employees pero may nakakapansin pa rin sa amin. Ayaw lang nilang makialam.

"Matalino at masipag ako. I'm not any other person who gives there work to others just to slack off. Sa tingin mo gagawin ko ang trabahong 'yan para mapuri ka? Hindi." I crossed my legs and I gave them my fake smile. "I wasn't born yesterday just so you know."

Namula ang mukha ng dalawa at sabay pang tinalikuran ako. Marunong din pala silang mahiya.

Lumapit agad sa akin si Richard.

"Wow. Ang cool mo roon ha! Napipi tuloy sila. Pero hindi naman sa makapal ang mukha ko pero baka pwede mo akong turuan dito!" aniya sa manipis na boses. Muntik na akong matawa kung hindi ko lang napigilan.

Siya 'yong tipo ng bakla na lalaki manamit. Hindi mapapansi sa una dahil laging maayos at malinis ang damitan, pero manipis at maarte ang boses kaya halatang lalaki ang gusto.

Her Dauntless Eyes √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon