Kabanata 23.1

143 8 0
                                    

Alyssa

       Mabilis akong nagpedal palabas ng Unibersidad. Iniwan ko si Hades doon na pinapanuod ang pag-alis ko.

Aaminin kong kinabahan ako sa ainabi niya kanina at nagkunwaring kalmado. Thinking that he still remember me and he didn't forget about is mix emotion.

Natawa na lang ako ng mahina.

Wala naman akong balak ilihim sa kanya. It's just that-- It's complicated.

Nakalayo na ako nang maramdaman kong may sumusunod sa akin.

Dalawang itim kotse ang nakasunod sa akin. Masyado silang halata sa pagkakataong ito. Mukhang balak na nila akong ikorner.

Bloody Hell!

Naghanap ako ng maaari kong lusutan.

Alam na alam ng mga ito ang lugar na pwede nilang pagkorneran sa akin.

Lumagpas kami sa mga matataong lugar.

Hindi pa nila ako pinapatamaan. Naghihintay sila ng magandang pagkakataon para isagawa ang binabalak. Naaamoy ko ang plano nila. Pagbibigyan ko sila sa pagkakatong ito.

Dinala ko sila sa isang lugar.

Nakarating kami sa isang abandonadong building. Madalas kong daanan ang building na ito dahil malapit lang ito sa apartment ko.

Pumasok ako sa masikip na daanan.

Nagsibabaan ang mga armadong lalaki sa dalawang sasakyan. Kung hindi ba naman bobo gumamit pa sila ng kotse. Wala bang pambili ng motor ang Boss nila.

I smirked.

Iniwan ko sa isang tagong lugar ang bisikleta. Babalikan ko na lang 'yon mamaya. May kailangan lang akong tapusin.

Mabibilis ang mga yabag nila habang hinahanap kung saan ako lumusot.

Walang silbi kung magtatago ako. Mukhang balak na nila akong patayin ngayon. Inilabas ko mula sa bag ang baril na may silencer. Tinignan ko muna ang bala n'yon bago ako walang ingay na tumakbo sa ikalawang palapag ng abandon bldg. May nakita akong isang pinto roon. Agad akong pumasok ng wala paring ingay ang mga yapak.

Naririnig ko ang bulungan nila mula sa ibaba. Napansin kong maraming kwarto ang tatlong palapag ng building. Dati siguro itong motel dahil malapit lang sa kalsada.

Pagtingin ko sa bintana ay dumidilim na amg kalangitan. Nakikiayon ang pagkakataon sa akin. Kailangan ko na irong tapusin.

Huminga muna ako ng malalim. Kung tatantyahin ko nasa mahigit sampo sila sila.

Narinig ko ang sabay na pagsipa nila ng mga pinto sa 'baba.

F*ck! Ilan kaya sila silang nasa labas ngayon. Isang silencer na may anim na bala lang ang mayroon ako. Kinalma ko ang sarili at nakiramdam sa paligid. Iniisa - isa nila ang pinto.

Ilang segundo pa at may sisipa na siguro sa labas ng pinto kung saan ako naroon.

Nasa gilid lang ako ng pinto. Inihahanda ang sarili at mahigpit ang hawak sa baril. Dalawang kamay ko ang nakahawak doon.

Tatapusin ko silang lahat bago pa nila matimbrehan ang Boss nila.

"Wala dito!"

"Bilisan niyo! Sa kabila!"

Ipinikit ko ang mata. At pinakinggan mabuti ang mga hakbang nila

Tatlo!

Kasabay n'yon ang malakas na pagsipa ng pinto kung saan ako nagkukubli.

Her Dauntless Eyes √Where stories live. Discover now