Kαíвígαn

5 1 0
                                    


Kαíвígαn


Written by: 𝙽𝚒𝚐𝚑𝚝𝙸𝚗𝚅𝚒𝚘𝚕𝚎𝚝𝙰𝚛𝚖𝚘𝚛


Alas dose na ng hapon ngunit wala pa siya, hinalukipkip ko ang aking bisig at naghintay pa ng ilang minuto. Nagawi ang aking atensyon nang may narinig akong pamilyar na sigaw "PARAAN POOOOOO!!!!" Isang matinis na boses and umalingawngaw na agad ikinatabi ng ilang tao. Matulin ang kanyang takbo kaya nabangga siya sa akin at sabay kaming nahulog sa matigas na semento. "AH! THRIXIE! HALA- PASENSYA KA NAAA HUHU- TRAPIK SA EDSA EH" Iyak niya habang nakapatong sa akin. Oo, nakakahiya talaga ang aming posisyon lalo na at.. NASA MATAONG LUGAR KAMI


"Bat ka nasigaw? Nasa malayong bundok ba ako?" Sarkastiko kong sagot at sabay irap ng mata.Agad siyang bumangon at kinamot ang kanyang batok.


"Sorry na" nguso nito

Umiling na lamang ako at bumangon na rin mula sa lapag. Tinulungan niya ako tumayo "Halika na, humahaba na ang pila!" Yaya ko sabay hila sa kanyang pulso papunta sa sinehan.


Matapos namin bumili ng pagkain at ticket, isang matandang babae ang sumalubong sa amin "Oh mga bata, manonood kayo?" Agad nitong tanong. Di naman kami bastos upang hindi sumagot

"Opo, lola" Sabay naming sinabi at hinagikgik

"Ahh, siya nga pala, kambal ba kayo?"

"Ah! hindi po lola hahaha, best friend lang po kami" Sabi ni Rixhie ang matalik kong kaibigan. Oo, siya yung kaibigan kong nahuli kanina.

"Ahh, akala ko magkambal kayo, pero magkamukha kayo ah" Sabi nung matanda na ikinatawa namin

"Baka po dahil lagi po kaming magkasama ay nagiging magkamukha na kami" Giit pa ng kaibigan ko na ikinatawa rin ng matanda "Sige po lola, una na po kami. Ingat po kayo!" Paalam ko

"Sandali lang buddy, picture muna tayo. Tapos post ko sa facebook" Ika ko sabay kuha ng litrato gamit ang aking cellpon. Habang naglalakad papasok sa sinehan, pinost ko na ang aming litrato sa aking facebook.

Nang matapos na ang palabas, agad kaming dumiretso sa aking bahay. Pagkabukas ko nang pinto agad ko binati ang aking pamilya "PAPA! MAMA! Si rixhie po nandito!" Inporma ko sa kanila. Nakita ko silang dalawa na nag uusap sa may kusina, tumingin sila sa gawi ko na ikinakunot ng kanilang kilay "Mama, Papa, Akyat lang po kami ni Rixhie sa kwarto po" sabi ko habang nagmamano

"Ah, Anak? Paakyatin mo muna yung kaibigan mo, usap muna tayo" Sabi ni Papa. Kumunot ang noo ko sa pagkalito. Pero agad din ako tumango at sumunod sa kanilang utos. Pumunta ako sa tabi ng aking matalik na kaibigan at dinala ko siya sa aking kwarto

Sinarado ko ang pintuan at sabay hingal. Tumingin ako sa gawi ni Rixhie na nababalot ng takot at taranta ang aking mata. Natawa si Rixhie sa aking kalagayan na aking ikinasamangot "Yawa ka Rix, nagpapanik na nga ako tumatawa ka pa rin" Padyak ko

"Sorry na Thrix" tawa pa niya "Ang panget mo kasi mataranta eh HAHAHAHA"

"Umayos kang lalake ka seryoso ako" Halukipkip ko "Wala naman akong maling ginawa diba? diba? nagpaalam naman ako, naglinis ng bahay, at kung ano ano pa! hala, ANO ANG GINAWA KO BA RIXXXX" inalog ko ang aking kaibigan. Tumawa siya na kay lakas sa aking itsura sabay tapik sa aking balikat para ako ay kumalma


"Kalma buddy, Baka may outing lang kayo o kung ano man lang naman yun, think positive!"

"Tama ka.. baka kung ano lang yun, oh sige.. baba lang ako para malaman kung ano yun" Sabi ko bago buksan ang pinto at bumaba. Nakita ko pa siyang nag-thumbs up at tumango pa sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago pinuntahan ang aking mga magulang


"Ma.. Pa.. Bakit po?"

Tumingin muna sila sa isa't isa bago tumingin sa akin bago magsalita "Anak.. didiretsohin na kita, Ang kaibigan mo.. si Rixhie.. ay hindi totoo" Sabi ni papa

"Ano pong sinasabi niyo, papa?"

"Anak, nasa imahinasyon mo lang si Rixhie, Anak" Sabi naman ni Mama, umiling ako, ayaw kong maniwala at hinding hindi ito magiging totoo

"Hahaha, magandang biro Mama at Papa. Pero di niyo ako mauuto, totoo po si Rix" kumbinsi ko

"Anak.. kung totoo siya, bakit wala siya dito?" Ipinakita ni mama ang litrato na pinost ko kaninang hapon. Ang tangi ko lang nakita ay sarili ko at may puwang sa aking tabi na dapat pwesto ni Rix. Ilang beses akong umiling at di makapaniwala

"Totoo siya mama.. N-nasa taas nga po siya eh" Utal kong sabi, rinig ko pa ang bawat tibok ng aking puso. Dahan-dahan akong humahakbang paurong.

"Anak, alam naming totoo siy-"

"Eh bakit niyo pa po sinasabi ito kung totoo naman po siya?!" Di ko na mapigilan ang sarili ko na sumigaw

"Dahil anak! Si Rixhie na itinuturi mong kaibigan ay matagal nang patay!"

"Hindi ko po kayo maintindihan!"

"Anak, Si Rixhie ay kapatid mo at namatay siya noong ipinanganak ka!"

"Anak, si Rixhie ay iyong kakambal!"

Di ko na mapigilan ang nga luha ko na bumuhos, tumakbo ako papaakyat sa aking kwarto, hinanap si Rixhie at inambahan siya ng yakap. Nakita ko siyang nakaupo sa higaan ko na parang hinihintay akong matapos doon sa baba. Umiyak ako nang umiyak, habang mahigpit ang aking yakap sa matalik kong kaibigan "Hindi iyon totoo.. nandito ka sa aking tabi, hawak mo ako, lahat ay napakaimposible" Iyak ko habang dinadamdam ko ang kanyang haplos sa aking buhok at pantahang hagod sa akin likod.

Ramdam ko pa rin ang kanyang ini- teka... bakit ang lamig niya? Tumingala ako sa kanyang gawi, wala na akong pake kung ano man ang aking itsura at pagtawanan ako. Ang tangi ko lang nadatnan ang kanyang galak na titig at walang sawang ngiti. Ngunit, parang may itinatago itong lungkot at sakit?

"Rix.. totoo ka hindi ba?" Tanong ko ngunit walang sagot ang lumabas sa kanyang bibig. Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang balikat habang patuloy pa rin sa pagbuhos ang aking luha "Rix! Sagutin mo ako!"

Di nawala ang kanyang ngiti pero dumilim ang kanyang titig "sorry..." bulong niya "Ayoko mang aminin pero totoo ang lahat na sinabi nila" Parang isang malamig ng tubig ang bumuhos sa aking pagkatao. Hindi ito totoo, teka, ano ba talaga ang totoo?

"Thrixie, totoo na magkapatid tayo, Fraternal twins. Totoo na namatay ako noong pagkasilang ko, at ngayon, sumasama na lamang ako kung saan ka magpunta hanggat sa nakikita mo ako. Naging magkaibigan tayo, buddies. Pero kahit ganoon, di ko mawari na maglihim sayo tungkol dito. Mahal kita Thrixie, pero kailangan mo nang magising sa katotohanang wala na ako" Haplos niya sa akin pisnge na may bahid pa rin ng aking luha

"H-hindi Rix, a-ayoko! Ayokong mawala ka, Rix-"

"Aalis na ako, Thrixie. Maglalaho na sa iyong paningin ngunit nandito pa rin ako sa tabi mo, magpakailanman" Bulong niya ngunit sapat na ang kanyang tinig para aking madinig. Umiling muli ako habang pinagmamasdan siyang unti-unting naglalaho. Yinakap ko siyang mahigpit na parang ayokong mawala siya sa aking bisig.


Iyak ako nang iyak hanggang sa maramdaman ko na lamang ang aking pagbagsak sa higaan. Patuloy ang aking pag iyak hanggang saa marinig ko ang aking pintuan na bumukas. Pumasok ang aking mga magulang at inaluhan ako. Natapos akong umiyak noong ako ay nakatulog kakahikbi.


Ngunit, yakap-yakap ko pa rin ang litrato na kung saan kami ay kalong pa ng aming magulang noong kami ay sanggol pa lamang. Kung saan, parehas kaming buhay.



Wakas

Mindful AthenaeumWhere stories live. Discover now