Reunion

1 0 0
                                    


"Reunion"


Written by: NightInVioletArmor



May family reunion kaming Fuentavilla ngayon, sa bahay ni lola kami nagreunion gaya noong nakaraan reunion. Masayang naghahanda, kumakanta, nag-iinuman, pasimpleng kumukuha ng pagkain, naglalaro, nagsasayawan, nagswiswimming at nagkukuwentuhan ang lahat. Kasama ko ang mga pinsan ko magkuwentuhang kung ano ano sa swimming pool



"Hey Amora, How's love layf?~" Natawa ako sa pagka arte ng pagsasalita ng pinsan kong maharot, I mean she's flirty even kasama niya jowa niya but ofcourse we know na pang asar niya lang ang pagiging flirty niya.


"Ahm, ano ok lang" Mahiyain talaga si Amora especially with boys at every year even now she's 19 still no boyfriend, well we can blame her for that since she's suffering from a phobia 

"Hays oo nga pala noh, ano nga ulit yung phobia mo?" Sabi ni Flertriche (A/N: pronounced as Plor-re-shey) yung pinsan kong flirty, 

"Philophobia..." Like I said we can't blame her for having a phobia like that kahit na siya ang pinaka maganda naming pinsan di naman yun makakapigil sa pagkakaroon ng phobia


"Oh , kain na mga bata!" Sigaw ni Auntie nang matapos sila sa paghahanda ng pagkain. Umahon agad kami sa tubig at nagbalot sa mga tuwalya namin at dumiretso sa hapag-kainan, nandoon na sila papa at mama, mga kapatid naming, sila tito at tita, pati si lola at syempre kaming magpipinsan. 


Kanya kanya kaming kuha ng pagkain habang ang mga magulang naming ay inaalalayan ang maliliit naming kapatid. Pagkakuha ko ng pagkain ay umupo ako sa may bakanteng upuan sa may lamesa at nagsimulang kumain. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng biglang nahulog ang kutsara ko "May bisita pa tayong darating!" Sabi ni tito at lahat sila tumawa, napailing nalamang ako at bahagya pang yumuko para abutin ang kutsara. Nasa kagitnaan na ako ng pag abot sa kutsara kong nahulog nang may nahagip ang aking mata


Tiningnan ko ito ng maayos at lumaki ang aking mata sa aking nakita.... 


May duguang paa na nakahalo kina tito....


Tumayo agad ako sa lamesa at tiningnan ang grupo nila tito lalo na ang kanilang mga paa pero ni isa dito walang duguan, bumalik ako sa upuan ko at inisip ang nakita ko kanina alam ko kung ano ang nakita ako at hindi ako namamalik mata


Inilibot ko ang aking mata hanggang sa napatigil ito kay lola. Nanlaki ang mata ko at namutla ang aking mukha nung nakita ko kung ano ang nasa likod ni lola


Isang matandang lalake punong puno ng paso sa katawan at may dugo itong tumutulo sa kanyang leeg


Nanindig ang aking balahibo nang bigla itong tumingin sa akin at mas lalo ako namutla sa aking narinig....



"Lola mo ang susunod" bulong nito sa aking tenga

Mindful AthenaeumWhere stories live. Discover now