"Paru-Paro"
Written by: NightInVioletArmor
Paru-paro
Kay Ganda mong pagmasdan
Tila mga puso
Lumalabas kapag ika'y nasa aking harapan
Paru-paro
Akala ko di kita nararamdaman
Pero Nakita ko Sayo
Ang aking kinabukasan
Mga gamu-gamo
Dati sa akin nakapalibot
Ngayon nandito
Mga paru-paro Ang dumapo
Sa iyo lamang Ito nararamdaman
Sa bawat salitang binibigkas
Bato na puso ay bumubukas
Di ko na mawari
Ang bawat pintig
Tila may sinasabi
Ito na ba Ang pag ibig?
Sinta, ano itong hiwaga
Na iyong dala
Pati paru-paro
Sumanib Sayo
Mundo'y bumagal
Ang pagtakbo
Sarili ko iba na Ang inasal
Noong dumapo na Ang paru-paro
Mahal, mahirap sabihin
Pero hayaan mong ipakita ko
Ang tunay na damdamin
Ukol lamang sa iyo
Mahal, maaari ko ba ulit maramdaman
Ang iyong mga paru-paro?
YOU ARE READING
Mindful Athenaeum
RandomJust me dumping some of my literature works language is either English or Tagalog Got bored so heckity heck let's just dump and collect some of my works