"Elevator Game"
Written by: NightInVioletArmor
Naglalaro kaming magbabarkada ngayon ng isang nakakatakot na laro sa elevator ako ang natalo sa bunutan kaya ako ang susubok nito "Handa ka na ba?" Tanong ng kaibigan ko
"Syempre naman ako pa" kahit ang totoo ay medyo natatakot ako
"Basta tandaan mo lang kung ano ang pipindutin mo at wag mo siyang kakausapin, okay?" Tumango ako bilang sagot. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa elevator at sinimulan ko na ang laro
Isa-isa kong pinindot at mga button pagtapos kong makarating sa mga pinindot kong floor hanggang sa may naramdaman akong presensya, nakikita ko sya sa gilid ng aking mata, may binubulong siya pero di ko maintindihan hanggang sa paayos ayos na ang sinasabi niya sa akin pero di ko siya pinapansin hanggang sa kung ano ano ang sinasabi niya sa akin at palakas nang palakas at bumigay na ako
"PWEDE BANG MANAHIMIK KA?!" Sigaw ko sa kanya, nagulat siya sa aking pagsigaw pero nauwi yun sa nakakatakot niyang ngiti, huli ko nang mapagtantong na kinausap ko siya.
Bumibilis ang tibok ng puso ko nang humakbang siya palapit sa akin at ako naman ay umaatras hanggang sa wala na akong mapagatrasan "W-wag kang l-lalapit"
Nanghina ang tuhod ko nang patay-bukas ang ilaw at kada magbubukas ang ilaw ay nakikita ko ang totoo nyang itsura, isang babae na tumutulo ang kanyang dugo mula sa kanyang ulo. Sa huling pagpatay-bukas ng ilaw ay nasa harapan ko na siya at nakataas ang kanyang kaliwang braso na may kutsilyong may bahid ng dugo, Napapikit na lamang ako....
"Oh, congrats nakabalik ka" Narinig kong sambit ng aking kaibigan, minulat ko ang aking mata at nilibot ito, nasa unang palapag na pala ako at wala akong galos nang tiningnan ko ang aking katawan
Nakahinga ako ng maluwag. Tinulungan nila akong makatayo at sabay kaming lumabas sa elevator, masaya silang nakabalik ako ng ligtas pati na rin ako
Bago kami makalayo lumingon ako muna ako sa elevator laking gulat ko sa aking nakita
Ang nakahandusay kong bangkay, napatingin ako sa aking mga kaibigan na nauna nang maglakad, lalong lumaki ang aking mata sa aking nakita
Ang babae sa elevator ang kanilang kasama.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Mindful Athenaeum
DiversosJust me dumping some of my literature works language is either English or Tagalog Got bored so heckity heck let's just dump and collect some of my works