Repleksiyon

2 0 0
                                    


"Repleksiyon"


Written by: NightInVioletArmor



Nagsisipilyo ako ngayon sa aming banyo at sa lagi kong nakasanayan ay lagi kong pinagmamasdan ang sarili kong walang ekspresyon habang nagsisipilyo, nang maidurada ko ang toothpaste sa lababo ay nagmumog ako sa harap ng salamin pero laking gulat ko di man lang gumagalaw ang repleksyon ko 


Maya maya ay ngumiti ito na abot tenga at sa kanyang bibig ay may dugong lumalabas at nang tignan ko nang direkta ang mata nito ay lalo akong natakot, ang mata nito ay naging pula at ang repleksyon ko sa kanyang mata ay baliktad. Dinura ko ang tubig sa aking bibig sa salamin sa takot, laking gulat ko sa aking nakita


Yung repleksiyon ko ay basang-basa at may bula-bula pa sa kanyang mukha, pinunasan niya ang tubig sa kanyang mukha gamit ang kanyang palad at napasimangot sa akin "Bastos!" sabi niya sa akin sabay walkout paalis sa salamin, sinundan ko ito ng tingin habang nagtataka pa rin ako, pinagpatuloy ko ang aking pagmumog at umalis sa banyo. Ngayon ko lang napagtanto


Kuwawa yung multo, may tartar pang dumikit sa kanyang ilong.

Mindful AthenaeumWhere stories live. Discover now