"Una"


Written by: NightInVioletArmor


Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng puno yakap yakap ang aking mga binti, nagdadalamhati dahil sa pagkamatay ng aking mahal na ama. Sa gitna ng aking pag iyak inabot mo ang iyong panyo sa aking harapan at sinabing

"Ayos ka lang ba? Tumahan ka na papangit ka niyan sige ka"

Yan ang iyong sinabi sa ating unang pagkikita, sinabi ko sayo ang dahilan ng aking pag iyak at pinakinggan mo ang aking kwento hanggang sa gumaan ang aking pakiramdam ngunit kailangan mo nang umuwi at ganoon na rin ako, kaya tayo ay naghiwalay ng landas pabalik sa ating mga tahanan

Sa unang pagpasok ko ng paaralan bilang isang High school student, nagulat ako nang makita kita sa aming silid, napag alaman kong lumipat ka ng paaralan matapos mong malaman kung saan ako nag aaral.


Nang lumaon ikaw ang naging una kong matalik na kaibigan.


Naalala mo pa ba? Noong nag lalaro tayo ng truth and dare nun sa classroom syempre kasama natin ang ating mga kaklase, ikaw naturo ng bote at ikaw ay nag 'Truth' at di mawawala ang common na katanungan na ito lalo na kung di alam ng buong classroom kung 'sino ang iyong nagustuhan'

Di ko inaasahan na meron kang nararamdaman sa akin. Una nahiya ako pero nang makalipas ang isang linggong di ko pagpansin sayo ay umamin rin akong may gusto ako sa iyo, tuwang-tuwa ka sa balitang ito ngunit napasimangot nung sinabi kong kailangan mong ligawan muna ako. Nakakatawa man ang iyong itsura ngunit bigla kang ngumiti at sinabing "Kahit matagal mo pa akong sagutin, maghihintay ako hanggang mapa oo kita, Hana". Tama, kay sarap balikan ang nakaraan kung saan ikaw ang unang naligaw sa akin....

Syempre gaya ng dulo ng panliligaw nakuha mo ang matamis kong oo. Noong tayo ay nasa kolehiyo na, sa sobrang tuwa mo ay nahalikan mo ako ng di namamalayan. Nahiya ka pa nung mapagtanto mo ang iyong ginawa, akalain mo yun kasabay ng una kong matamis na oo ang aking unang halik....

Naalala mo pa noong dinala mo ako sa may tusok-tusok malapit sa ating school, di naman sa maarte at choosy ako pero tinanong kita nun kung bakit mo ako dinala roon. Sinabi mo sa akin pamparelax after school, syempre di ako naniwala kaya tinaasan kita ng kilay. Tumawa ka lang nun at sabay kamot ng iyong ulo na akala mo may isang libong kuto ang nasa ulo mo. Yun pala nahiya kang sabihin sa akin na iyon ang ating unang date at di mo pa afford ang magarang date since hinahati mo ang ibang savings for school at sa akin.

Syempre naintindihan kita, di ko rin naman gusto ang ganoong date basta kahit saan mo ako idala basta kasama kita masaya na ako. Grabe pala ang cheesy ko noon noh? Pero okay na yon kaysa kiligin na parang bulateng linagyan ng isang kilong asin

Naalala mo pa ba noong binalak kong ipakilala kita kay mama since tayo ay 2 years na tayo nagtatrabaho, namutla ka na parang inubos ng bampira ang iyong dugo, natawa ako sa reaksiyon mo. Yinaya kita kung saan syempre sumama ka naman.

"San ba tayo pupunta?" napasimangot ako sa iyong tanong

"Kanina mo pa tinatanong yan ah, at kanina pa ako sagot ng sagot" napairap nalang ako sa kaingayan ng lalaking ito

"Yun nga eh, ang sagot mo naman sa akin ay puro 'basta malapit na tayo' " reklamo mo sa akin pero di nalang kita sinagot at nagpatuloy sa pagdrive

"Kasi nandito na tayo" hagikgik ko sabay lumiko ng kaunti bago itinigil ang sasakyan.

"Sementeryo? Ano gagawin natin dito? Maghuhukay ng bangka-" Naputol ang kanyang dayalogo nang akin siyang batukan. Inirapan ko siya bago hinatak ang kanyang pulsuhan patungo sa isang puntod

Nagulat ka nang makita mo ang nakasulat sa lapida sa iyong harap. Sa iyong gulat napatingin ka sa akin at naguguluhan. Oo, ikaw ang unang lalaki na ipinakilala ko sa aking magulang


Ikaw rin ang unang nagyaya sa akin magpakasal. Nakaluhod sa isa mong tuhod hawak hawak ang isang singsing na tiyak akong kasya iyon sa aking daliri. Tila pinugaran ako ng mga paru-paro sa oras na iyon.


At ngayon ika'y nasa altar at naghihintay sa babaeng pinakamamahal mo sa araw ng inyong kasal. Oo kasal niyong dalawa ni Torrii ang aking matalik na kaibigan, masakit man na ikaw ang una kong minahal pero di ako ang iyong huli. Kayo ang nagkatulyan ng malaman kong may sekreto kayong relasyon na nagsimula pa noong una kayong nagkakilala. Nang matapos ang inyong kasal ay lumapit ako sa inyong dalawa at ngumiti "Congrats sa inyong dalawa, Torrii at Loofen" at umalis agad ako. Nakakatawa man isipin pero ikaw ang una kong minahal at ikaw ang unang nakasira ng aking puso.


End

Mindful AthenaeumWhere stories live. Discover now