Accent

3 0 0
                                    

"Accent"

Written by: NightInVioletArmor

Sa pagsilip ng araw mula sa dulo ng silangan, ang tandang ay nagsimulang tumilaok upang ipahayag ang pagbangon ng amang araw. Mga tao nagsisimulang magsibangon at iba ay mahimbing ang tulog. Isang estudyante kakarating lang sa paaralan, may pagkadilim ang pasilyo, kaunti ang mga tao. Ngunit bago pa siya makarating sa hagdanan, siya'y natapilok mula sa kanyang sintas

"Uy Riz goodmorning!" Isang kaibigan, Faith ang ngalang, sumulpot sa kanyang likuran. Masiglang ngiti ang kumurba sa kanyang labi. Bumati ito pabalik. "Tara sabay na Tayo umakyat sa room" Yaya ni Faith

Tumungo si Riz, inayos ang kanyang sintas at nahulog na gamit bago sila umakyat papunta sa kanilang klasroom

Ilang minuto makalipas matapos ang dalawang magkakaibigan na makarating sa kanilang klasroom, Si Aly ay masiglang bumati sa nagkukwentuhang magkaibigan upang bumati "UYY GOODMORNING!! I MISS YOU GUYS WAHH"

"Awee, miss you too, Aly!" Nakangiting sagot ni Faith

"Sigla natin ngayon ah, nag I love you ba si crush?" Hagikgik ni Riz

"Luh por que masaya lang, nag i love you na si crush? Di ba pwede maganda lang ang gising?" Nakangusong saad ni Aly na ikinatawa ng mga magkakaibigan

Di nagtagal at dumating na sina Kayden at Mona. Bumati at dumiretso sa kanilang upuan. Ganoon na rin ang iba pa nilang kaklase. Nag-ingay ang klasroom, napuno ng mga wika na pang kumunika sa kanikanilang kaibigan. Hanggang sa tumahimik ito noong dumating ang kanilang paunang guro sa istatistika

"Good morning class" Bati ni Ginoong Fernandez

"Good morning po Ginoong Fernandez" Sabay na wika ng lahat

"Belle, ikaw ang mag lead ng prayer" Utos nito. Tumungo si Belle at nagsimula na magdasal. Nang matapos ang dasal, nagsalita muna ang kanilang guro upang ipakilala ang mga bagong estudyante

Oras ay lumipad at panghuling asignatura na para sa araw na ito. Ang kanilang guro ay ginurupo ang buong klase sa 2. Umalis muna ang kanilang guro dahil may meeting daw ito. Ang buong klase ay nagsimula mag ingay, hinahanap ang kani-kanilang kagrupo

"UY LF GROUP 1, PUNTA NA DINE"

"Guys nasan ang group 2?"

"Uy punta ako CR, sama ka sis?"

"Oum arat gora!"

"Guys ano gagawin-"

"Pre gising uwian na"

"Shuta naman oh, magkikiss na kami ni crush sa panaginip ko eh"

Dalawang grupo ang hati ng klase, parehas bumuo ng bilog upang magmeeting sa isa't isa. Sa dako ng grupo ni Kayden, sila ay naguusap

"Guys ano gagawin? Twerk ba tayo sa harap? Hahaha"

"Sira, pili muna tayo ng leader para siya magtask and all sa atin" Lahat tumango sa suhesyon na iyon. "So... sino inonominate niyo?"

"I nominate Kayden as our leader, kasi guys we all know kung ano ginawa niya kanina sa Practical Research at General Chemistry diba? He perfected it! So why not na siya ang leader right?" Lahat tumungo at sumang ayon sa sawikain ni Faith.

Lumaki ang mata ni Kayden sa gulat. Di siya makapaniwala siya pa ang binotong leader "H-ha? baket ako? A-ayos lang po ba na ako ang leader niyo? I mean, w-wala naman po akong problema bilang isang leader pero baka may iba kayo gusto?" Napatingin si Kayden sa isa pa nilang kagrupo

Mindful AthenaeumWhere stories live. Discover now