Araw Ng Puso

0 0 0
                                    


"Araw Ng Puso"


Written by: NightInVioletArmor


May nagsabi sa akin

Na di ako kayang piliin

Maghanap ng bagong pasisiyahin

Na ako Ang Mundo sa bawat tingin


Maikling pagsasama

Pero taon Ang nadarama

Parang sa lotto tumama

Sa hinaharap sayo'y sasama


Ikaw Ang lireko

Sa tugtuging ito

Sa araw ng puso

Maaari ba kitang yayain, mahal ko?

Mindful AthenaeumWhere stories live. Discover now