"Pangako"
Written by: NightInVioletArmor
Naalala mo pa ba ang mga pangakong iyong binitawan?
Tila ba'y makakaasa ka kapag iyo'y pinakinggan.
Parang isa itong musika sa aking tainga
Ngunit lahat ng tiwala ko sayo ay doon nakataya
Hindi ba sabi mo, hindi mo ako iiwan,
Pero nasaan ka noong kailangan ko ng sandalan?
Hindi ba sabi mo magiging tayo sa huli,
Pero bakit mo sinabing may iba ka nang iniibig?
Kay dami ng iyong pangako
Pero mukhang lahat ng iyon ay puro 'siguro'
Bakit ka pa nangako kung di mo kayang tuparin?
Maiintindihan ko naman kung agad mo sinabi
Pero natapos na iyon kahit anong gawin natin di maibabalik
Hayaan na natin lumipad ang ating pangako sa himpapawid
![](https://img.wattpad.com/cover/334548663-288-k411099.jpg)
BẠN ĐANG ĐỌC
Mindful Athenaeum
Ngẫu nhiênJust me dumping some of my literature works language is either English or Tagalog Got bored so heckity heck let's just dump and collect some of my works