"Bakit pa kasi?"
Written by: NightInVioletArmor
Gagawa pa pala ako ng tula
Kaso wala ako maitala
Isip ay sarado
Feeling ko ako'y bobo
Isa nanamang tula
Pwede sana kwento
Kaso baka maubos ang oras ko
Katamad din magsalita dito sa harap niyo
Aba akala niyo madali?
Gumawa ng tula kahit saglit?
Kumpuna kahit maliit?
Baka kapag binasa ko yang tula niyo ay puro mali
Taenang tula ito oh
Ano ba kasi ilalagay dito?
Mga letra at simbolo
Oo na alam ko
Sadyang wala lang talaga ako maisulat
Parang may kulang na di ko maisuwalat
Parang may mali sa binibigkas ko
O sadyang may nawawala sa piling ko?
Di ko na talaga alam
May gusto talaga ako maasam
Ngayon, ngayong araw.
Sana naman, di na ako masilaw
Masilaw sa iyong mga salita
Mabulaklak, nakakakilig, at matamis na salita
Kung sakali lang na makausap man kita
Dahil ayoko na
Alam ko na ang kulang
Ikaw lang pala
Akala ko kung ano na
Dami kong alam noh?
Ikaw kasi ang sentro ng usapan dito
Pero seryoso
Parang ayaw ko na
Parang lang naman hehe wala pa
Eh kasi naman, tama na magpamisteryoso
di ka naman gwapo
Binaba ko lang talaga standards ko
Wag kang assuming, wattpader toh
Pero kung mang ghost, ayy napaka gago
Tama na kasi tampuhan
Balik ka na at tayo magmahalan
Kung ayaw, edi dont
Kung magtampo akala gold
Bakit pa kasi lumandi pa
Okay na ako nung single pa
Dami kasi eme ng lola niyo
Dapat di naawa at nang slay sana ako
Bakit kasi sayo pa nahulog?
Di ka naman trampuline na sasaluhin ako
Akala unan, flat naman
Ni buto nga lang aking nararamdaman
Ikaw nga ang nawawalang piyesa
Sa bawat tula
Ikaw ang inspirasyon
Kaya kumulay ang aking imahinasyon
Tagal nang makulay aking imahinasyon
Basta ganon, linagyan mo ng estitik ang mundo ko
Dapat mala Wednesday theme ng mundo ko
Na may konting pahid ni mader rainbow
Basta ganon shuta
Kapag bumalik ka tangina ka
Asahan mo
Mang go-ghost din ako
Ayoko na sayo
Bakit pa kasi nahulog pa ako
Makatulog na nga
Bahala na si batman sa aking tula
أنت تقرأ
Mindful Athenaeum
عشوائيJust me dumping some of my literature works language is either English or Tagalog Got bored so heckity heck let's just dump and collect some of my works