Huli

4 0 0
                                    


Huli


Written by: NightInVioletArmor


Limang taon makalipas noong sila ay ikinasal pero hanggang ngayon may maliit na kirot pa rin sa aking puso tuwing iniisip ko ito o nakikita silang magkasama at kapag nangyayari ito ay tinatago ko ito sa pamamagitan ng aking ngiti para walang makahalata.


Dumiretso ako sa puno ng Acacia kung saan kami unang nagkita at nagkilala, umupo ako sa ilalim nun at yinakap ang aking mga binti, umiyak ako ng tahimik doon dahil ito na laman aking maaaring gawin para mapagaan ang aking damdamin na iyong ginulo.


At sa di inaasahan may nag abot sa akin ng panyo, nagulat ako dahil akala ko ay ikaw ang lalaking iniiyakan ko yun pala ang kanyang kakambal na si Drupen "Ito panyo oh wag ka nang umiyak, papangit ka niyan". Magkaiba man ang kanilang sinabi ngunit para sa akin parehong- pareho ito. Yinakap ko siya ng mahigpit at umiyak muli.


Si Drupen ang aking nasandalan noong panahon na nasaktan ako sa iyo kahit noon pa man tuwing nag aaway tayo, siya ang pinupuntahan ko hanggang gumaan ang aking pakiramdam.


Ngayon nagpapasalamat ako at di niya ako iniwan din noong tinalikuran mo ako. Lagi niya akong sinasama kung saan saan kahit sa ibang bansa pa iyan, pinapatawa niya ako hanggang marinig niya ang aking tawa.


Ngunit sa di inaasahan umamin siya sa akin na matagal na niya ako gusto simula noong una kaming magkilala, natameme ako dahil di ko inaasahan iyon. Di ko siya pinansin ng 3 araw, pero noong nakita ko siyang umiinom sa isang bar at sinabi niya "Di ako gusto ni Hana haha.... Mukhang di ko talagang malalagpasan ang kakambal ko pagdating sa pagmamahal kay Hana...".


Nasaktan ako dahil hindi iyon ang intensiyon ko, pinigilan ko siyang uminom at pinauwi kahit namamaktol siya na ayaw niya ay pinilit ko siyang inilabas hanggang makarating kami sa aking kotse, pinainom ko siya ng tubig at sinabi ko na "Bukas sana di ka na uminom at maalala mo pa ito... Drupen Salamat at di mo ako pinabayaan noong panahong wala akong makakapitan, di ko talaga inaasahan ang pag amin mo kaya ako umiwas ngayong nakapag isip isip na ako, sasagutin na kita.. pumapayag na ako.. ibabalik ko na ang iyong pagmamahal " kasabay ng pagbigkas ko nun ay pagbukas ng iyong mata at pag ngiti


"You may now kiss the bride" saad ng pare sa ating harapan, itinaas mo ang aking belo at hinalikan. Sinong magaakalang dito tayo magtatapos ang matagal mong paghihintay? Pero kahit ganoon mas masarap ang pagmamahal ng huling lalakeng na aking mamahalin


End


A/N

Ang Una at Huli ay magkasunod po na istorya:> yun lang

Mindful AthenaeumWhere stories live. Discover now