Kapitbahay

1 0 0
                                    



"Kapitbahay"


Written by: NightInVioletArmor



Maayos ang umpisa sa naming sa aming bagong bahay hanggang sa kinamusta ko ang kapitbahay namin, una kong napansin sa kanyang bahay ay ang poster na may parang may bahid ng dugo pero pinagbinalewala ko nalamang iyon at kinausap ang kapitbahay namin pero kada titingin ako sa kanya ay nagtatayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa mala baliw niyang kilos at salita at mas lalo akong natakot nang makita ko ang kanyang likod ang kanyang kamay na may duguang kutsilyo. 


Mabilis akong nagpaalam at bumalik sa bahay pero sa habang naglalakad ako ay nakita ko siya na nakasunod sa akin kaya tumakbo ako pabalik sa bahay at mabilis na sinarado ang aming gate at umakyat sa taas ng aming bahay.


Sumilip ako sa bintana at lalo akong natakot nang makita ko siya na nasa labas ng gate at kinakalampag ito, sa sobra kong takot tinawaagan ko ang malapit kong kaibigan na ilang metro lamang ang layo ang kanilang bahay. Kinuha ang ilan kong importanteng gamit at lumabas sa likod ng bahay. 


Nagsimula na akong umalis, dahan dahan na may konting bilis akong tumakas sa kapitbahay namin pero nauwi iyon sa takbo nang mapansin niya ako sa gilid na maingat kung maglakad. Mabilis ang takbo ko hanggang marating ko ang bahay ng aking kaibigan na kanina pa handa sa aking pagdating.


 Pero kahit nasa ibang bahay na ako ay patuloy sa pagkalampag ng gate ang baliw naming kapitbahay at sumisigaw na kung ano ano. "Shh, magiging okay din ang lahat, tinawagan ko ang mga pulis bago ka pa makarating dito" Pagtahan sa akin ng aking kaibigan. Maya maya ay narinig ko na ang sirena ng mga pulis at ang sigaw ng baliw mula sa labas ng gate


Ligtas na kami

Mindful AthenaeumTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang