PROLOGUE

5.6K 97 5
                                    


Sa oras na marinig ko ang malumanay na kanta hindi ako nagdalawang isip na kumapit ng mahigpit sa pole na nasa harapan ko. at saka marahang isinabay ang galaw ng katawan ko sa tugtog.

Sa gipit na mundo. Pilit akong kumakapit sa patalim para sa pamilya ko. isang literal na impyernong kinalulugmukan ko. hindi ko alam kung paano ako makaka alis kahit papaano.

I’m trap in this h3ll like world. Trap and no one seems to save me. at maging sarili ko. hindi ko maisalba. Baon sa utang , baon sa kahihiyan. Pati dignidad ko naubos na. at talagang hindi ko na magawang isalba ang buhay ko.

gabi-gabi , napapadasal na lang ako.
Na sana isang anghel ang dumating at magkaroon ako ng sulusyon sa buhay ko ngayon.
Sa kalagitnaan ng pag sayaw at paglambitin ko sa pole na iyon ay hindi ko maiwasang mapatingin sa taong unti-unting naglalakad patungo sa magarbong upuan na nasa pinaka harap mismo ng entablado.

I never looked at the crowed in front of me. dahil alam ko , na ang mga nanonood sa ‘kin ay nandito lang para pag masdan ang katawan ko. hindi mismo ang sayaw na ginagawa ko.
I danced gracefully and elegantly  just like I always did. While my eyes closed. Because this is the only way. That I can forget about all the things I need to face in this h3ll like world.

But one night. Everything changed one night with just one gaze from her.
Kung noon ay kahit kailan ay hindi ko kayang tumitig man lang sa harap ng entabladong sinasayawan ko dahil sa katiyakan na alam kong puro lasing na lalake lamang ang makikita ko na alam kong gagamitin lamang kami para sa panandaliang saya.

Ngunit ngayon. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.
Dahil sa lahat ng mga taong naririto ngayong gabi na mariin na tinititigan kami na tila ba nais kaming kunin at pag saawaan. Mga lalakeng lasing na at nangangailangan na ng panandaliang ligaya. Siya lang itong pumasok dito na may eleganteng pustura.

Walang alinlangan siyang naglakad papasok. Taas noo at bawat hakbang ay nagiging dahilan upang ang mga tao sa paligid niya ay mapa tingin sa kanya imbes na sa amin.

Marahan niyang inihawi ang kulot na kaunti niyang itim na buhok sa kaliwang balikat niya dahilan upang matanaw ko ang leeg niya na halos kutis porselana. Agad din na umagaw sa atensyon ko ang dyamanteng naka lambiti sa tenga niya na mas lalong nagbibigay sa kanya ng sopistikadang itsura.

Ang labi niya kay kakulay ng damit niya. at ang katawan niya ay napapalibutan rin ng mga alahas na natitiyak kong kasing mahal na ng buong pagkatao ko.

Anong ginagawa niya rito?? Hindi ko maiwasang mapa tanong sa sarili ko.
Isa ba siya sa asawa ng mga lalake na minsan na akong itinable at baka nandito siya para sugurin ako.
Pero muka naman siyang hindi gagawa ng away.

Natitiyak ko na hindi siya pumunta dito para humanap ng trabaho gaya sa amin. Dahil sa mga body guards at suot niyang kulay rosas na bestida na kitang-kita ang hubog ng katawan niya ay halatang hindi niya kailangan pasukin ang trabaho namin. Dahil sa postura pa lang niya , para na siyang nanampal ng kayamanan niya.
Pilit kong pinagpatuloy ang pag sasayaw ko , kahit na bawat Segundo ata ay nais kong pagmasdan siya.

Marahan siyang naglakad pa lalo sa upuang sa mismong harapan ng entabladong sinasayawan namin. At ang mga ilaw na nasa paligid naming ay agad na naging dahilan upang matitigan ko ang kabuhan niyang muka.

Hindi ko maiwasang mapa lunok ng mag tama ang mga mata namin. Mayroon siyang berdeng mata na unang lapat pa lang sa ‘kin ay para nang hihigupin ang buong pagka tao ko.

Mayroon siyang matangos na ilong na bagay na bagay sa korteng labi niyang kulay rosas na mga labi.
Once our eyes met , she never took off her gazes as if she finally find what she’s been looking for. She elegantly sat at the special sofa in front of us as if it was made for a angelic angel like her to sit and it was our duty to keep her entertained.

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now