36- Can you keep a secret?

764 36 9
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘 𝐒𝐈𝐗

~𝑪𝒂𝒏 𝒚𝒐𝒖 𝒌𝒆𝒆𝒑 𝒂 𝒔𝒆𝒄𝒓𝒆𝒕?~

NAKATINGIN lang  sa malayo. Pilit na pinababa ang lumilipad kong isip habang naka tingin sa kawalan. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. gulong-gulo na ang isipan ko kasabay ng tila manhid na tumatabla sa isipan ko. pinipilit hindi paniwalan ang balitang natanggap ko.

“Mari?” Bungad ng boses sa ‘kin ni miss Avery sa pag katok ko sa pintuan ng mansion nila. Hawak-hawak ang kamay ni Vienna na gaya sa ‘kin ay mugto rin ang mga mata.

She was a bit shock to see me here.
At sa matatalim kong titig sa kanya ay agad na napa iwas ng tingin ang mga mata niyang tila nag iisip ng mga sasabihin ngayong nasa harapan na niya ako.

“Asan si Aisha??” mariin kong tanong. Pinipilit na mag labas ng salita ang boses kong namamaos.
Pilit ko siyang tinatanong kung nasaang morgue idinala ang  bangkay ni Aisha. Dahil sabi ko sa sarili ko. hindi ako maniniwala na patay na siya.

Mas paniniwalaan ko pang mamatay si Aisha sa isang malubhang sa ‘kit kaysa ang may pumatay sa kanya.

Hindi man ganoon ka haba ang pagsasama namin. Ngunit alam ko na hindi hahayaan ni Aisha ang patayin siya ng kung sino. Sa tapang at kakayahan niyang lumaban… imposible!
Pero sa kabilang banda.

Hindi ko alam kung tama pa ba itong mga pinagsasabi ko. O sinasabi ko lang at iniisip ang mga ito para magpanggap. Dahil hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala.
Noong isang araw. Masaya pa lang kami.

Tapos eto?
Dinala ako ni miss Avery sa loob ng mansion nila patungo sa isang kwarto kung saan tila nagsilbi itong maliit  na chapel.

Hindi pa man kami nakaka rating ay rinig na rinig na namin ang malakas na hagulhol na mas lalong dumaragdag sa mabigat kong dibdib.

Sinusubukan kong ‘wag manghina. Sinusubukan kong ‘wag humagolhol. Pilit na pinipigilan ang luhang nais kumawala sa mga mata ko. pilit na sinasabing ‘wag umiyak.

Mas lalong bumibigat ang paghinga ko sa bawat hakbang na tahakin ko. papalapit sa malalakas na hagulhol na mga iyon.

Naka upo sa isang sulok si tita Verena. Yakap-yakap si tita Alexa na naka siksik sa balikat niya, humahagolhol ng walang tigil habang nasa harap sila ng isang lamesa. Kung saan isang urn ang naka patong…

…na nasa tabi ng isang litrato ni Aisha.
Napa kapit na lamang ako ng mahigpit kay miss Avery nang halos mawalan ng balanse ang tuhod kong nanghihina. Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kumakawala sa mata ko nang tuluyan nang na proseso ng utak ko ang mga nangyayari.

Ang hagulhol na pilit kong pinipigilan ay hindi ko na napigilan.

“A-aisha…” napa lunok ako sa kabila ng kung anong tuluyang bumabara sa lalamunan ko.

Ang hapdi na bumabalot sa katawan ko ay mas lalo pang lumala habang pilit akong pina upo ni miss Avery sa likuran nila tita Alexa.

“V-verena… ang anak natin…” napa lunok si tita Alexa habang yakap niya si tita na tahimik at malamig lamang na naka tingin sa litrato ni Aisha na katabi ang urn nito.

Tahimik at walang imik. Ngunit ang mga mata ay kasing bigat ng mga hakbang na tinahak ko bago ako maka upo sa kinauupuan ko ngayon. Ang luhang bumagsak sa mga mata niya ay agad niyang pinigilan na bumagsak pa. Na para bang hindi niya  nais na makita ng asawa niya ang mga ito.

“Mimi…” Vienna whimpered as she called Aisha.

Napa yakap na lang siya sa ‘kin sabay siksik rin ng muka sa katawan ko. Mas naawa ako sa kanya. Matalino siyang bata at naiintindihan na niya kaagad ang sitwasyon na ito.

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now