11- Issue

1.1K 63 11
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐄𝐋𝐄𝐕𝐄𝐍

~ 𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆 ~

“Miss Elle?” nakikinig ka ba? Tanong ng choreographer ni miss Aisha sa kanya habang habang naka tayo lamang siya sa loob ng dance studio na pinuntahan namin.

“ Mas muka pong nakikinig yung p.a. mo kaysa sa ‘yo” wika ng lalake sabay tingin sa ‘kin na kanina pa sila pinagmamasdan habang inaaral nila ang isasayaw ni miss Aisha  para sa noontime show na dadaluhan niya.

“ miss anong pangalan mo?” tanong niya sa ‘kin sabay utos sa ‘kin na tumayo mula sa kinuupuan ko.
Matapos nang nangyari sa mall kanina. Ni hindi man lang siya kumain ng lunch na ibinili niya sa   sabay diretso na agad dito sa dance studio nila para mag practice.

Pero halatang hindi niya parin  maalis sa isipan niya ang mga nangyari kanina. She was quietly looking at her self at the mirror.

“ Ako po si Mari” I answered him back.

“Sabayan mo nga si miss Aisha , hind inga kase makuha yung step” wika niya.
Marahan siyang napa tingin sa cellphone niya upang muling I play ang kanta na isasayaw ni miss Aisha.

“ Miss Aisha , tingin ka po sa ‘kin. Madali lang naman po” I told her.
And she just nodded quietly.

Ella Mai’s shot clock audio was played. Upon hearing the intro I started to move my body the way I learned from the choreographer.

Ilang beses ko lang itong pinanood at mayamaya ay nakabisa ko na ito. ngunit si miss Aisha ay hindi parin maka sabay sa ‘kin ng matino.
She’s doing great. magaling siya ngunit halata na wala talaga siyang gana ngayon.

“ Miss Aisha , hindi ka pa po kase kumakain. Hindi ka po talaga gaganahan niyan” wika ko sa kanya matapos niyang subukan ngunit hindi niya talaga magawang makapag focus. Kahit anong pag tuturo niya sa sarili niya ay halatang malayo parin ang iniisip niya.

Inabutan ko siya ng tubig sabay marahang pinunasan ang pawis na tumutulo mula sa noo niya pababa sa leeg niya gamit ang panyong hawak ko. ngunit hindi man lang niya ako binigyan ng kahit anong titig. O maski dampi man lamang ng paningin niya.

“ I  don’t want to eat anything , Mari. I might just puke it” marahan niyang sagot bago ako iniwan sa loob ng dance studio nila nang wala man lang pasabi.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. “ Pasensiya na po talaga , hindi po maganda pakiramdam niya ngayon eh” wika ko sa choreographer namin na Nakita ang ginawa ni miss Aisha.

“ Halata nga eh , matagal ko nang nakaka trabaho yang  si miss Aisha. Napaka professional. Hayaan na lang muna , hindi talaga maganda pakiramdam niya” I smiled at him.

“ Nga pala , ang galing mong  sumayaw. Gusto mo ba maging back up dancer niya? naghahanap kase ako ngayon ng makaka partner niya sa performance niya. medyo maarte nga lang talaga siya sa makaka partner niya. tutal ikaw naman ang p.a. niya at mukang hindi naman siya makaka reklamo sa ‘yo. Bakit di na lang ikaw?” tanong niya.

“ hindi po ako sigurado.”

“ Marunong ka ba mag pole dancing?” tanong niya.

I immediately nodded. “ That’s great! pipilitin ko talaga si miss Aisha na ikaw ang maging partner niya.”

I just gave him a nice smile before following miss Aisha. Natagpuan ko siya sa loob ng van niya. na nasa isang zoom meeting sa kabila pa ng masama niyang pakiramdam. Sinenyasan na lamang ako ni kuya Robert na wag na lang maingay na agad ko naman na ginawa.

Halos mag isang oras ang lumipas nang sa wakas naka rating din kami sa skwelahan ni Vienna. pagbaba ko ng van ay agad akong napa lingon kay miss Aisha nang maging siya ay bumaba rin mula sa kanyang van suot-suot ang sunglasses na halos matakpan na ang kalahati muka niya.

The richgirl's playmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon