8- rules

1.3K 64 1
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓

~𝑹𝒖𝒍𝒆𝒔~

PARA akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng finally naka rating na kami sa hotel tahimik lang akong nakasunod kay miss Aisha habang hawak-hawak ko ang vicks na kanina ko pa inaamoy umaasang maalis ang hilo ko. parang natulala na lang ako matapos naming sumakay sa eroplano eh.

Pagbukas ni miss Aisha ng hotel room ay halos mahulog na ang panga ko sa sahig nang mapagmasdan ko ang hotel room namin.
Everything was luxurious.

Pero hindi man lang siya natuwa pag pasok naming dahil medyo mainit pa nga ulo niya dahil puno na ata dito sa hotel na ‘to at hindi na available ang gusto niyang hotel room.

Halos kasing laki na ito ng bahay naming sa probinsiya eh. Parang hindi na ‘to hotel room eh. Buong bahay na ata.

Kumpleto na kase siya eh. May sala , may malaking kusina pa.
Pag pasok naming ni miss Aisha ay nandun na ang bagahe niya at ang maleta naming sa isang sulok. Pina una na niya ito kanina sa mga staff habang kumain muna kami sa ibaba ng hotel.

“ You still feel dizzy?” tanong niya matapos niyang ilapag ang handbag niya sa sofa.

Hindi na lang ako naka sagot dahil masama talaga pakiramdam ko. tumango na lang ako bilang sagot.

“ follow me” marahan niyang utos na agad ko naman na sinunod.
Pag pasok namin sa mismong kwarto ay mahina na lang siyang napa irap. “ I reserved a hotel room with 2 beds. But they said it wasn’t available”
Isang malaking king size bed ang sumalubong sa ‘min pag bukas niya ng pinto.

“ Okay lang po , miss Aisha. Pwede naman po na dun na lang ako sa sofa matulog—”

She cut me off “--- you’re not feeling well. Take a rest here.” It wasn’t a request but rather a command from her. The way she muttered those words felt like it was law that she created that I should follow.

Hindi ko na lang nagawang komontra sa kanya kase masama talaga pakiramdam ko. automatiko akong napalingon sa kanya ng bigla niya akong tinalikuran. Akmang bubuksan niya ang pinto nang bigla siyang natigilan nang tawagin ko ang pangalan niya.

“ Saan po kayo pupunta?” I asked her , scared that she might leave me.

“ I’m going to the pharmacy , I’ll buy you some medicines. I’ll be back in less than an hour.” She said before storming out of the room.

Napa nguso na lang ako nang iwan niya ako dun. Pabigat na ng pabigat ang mga talukap ng mga mata ko at pag higa ko sa malambot na kama ay napa pikit na lang ako ng mga mata ko.

--

HINDI ko alam kung ilang oras ba akong naka tulog. Basta pag gising ko ay gumaan na ang pakiramdam ko kahit papaano. Pag mulat ko ng mga mata ko ay napatingin na lang ako sa kumot na balot sa buong katawan ko dahilan para di maalis ang ginaw ko kanina.

Sobrang mas maayos ang pakiramdam ko. tulog lang pala talaga ang katapat ng sakit ng ulo ko eh.

Dahil dito ay hindi ako nagdalawang isip na marahang bumangon sa kama. ngunit pag bangon ko ay isang maliit na tuwalya ang nahulog sa hita ko mula sa noo ko.

Napa kunot ang noo ko. naglagay ba ako ng ganun sa noo ko bago ako matulog? Mukang wala naman. Pagka higa ko lang sa kama ay naka tulog na agad ako.

Wala naman akong ibang kasama dito kung hindi si.  “ miss Aisha…” I whispered when I saw a bottled water and a small paper bag on the side table. It also has little pink sticky note on it saying that.

Drink this when you wake up.

May tinatago talagang bait ang babaitang ‘yon. Napa tingin na lang ako sa repleksyon ko sa salamin na nasa ibabaw ng kama namin. At agad akong napa iling nang mapansin ko ang mga gilid ng labi ko na umangat maging malalalim na dimples sa gilid ng labi ko ay lumabas na dahil sa ginawa ni miss Aisha.

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now