48-Aim

833 32 10
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐑𝐓𝐘 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓

~𝑨𝒊𝒎~

Hindi  ko nanaman alam ang gagawin ko ng mga pagkakataon na iyon.

Para na akong tuluyang tinakasan ng salitang ‘kalma’ habang kaharap ko ang pamilyar na pigurang iyon. nangginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa nagpupuyos kong damdamin habang tintingnan ko siyang prente lamang na naka tayo sa harapan ko.

Matapos ng naging meeting nila Thana ay dali-dali akong natungo sa parking lot, sinasadyang bilisan ang pag alis ko sa  lugar na iyon.

“Mama, ayos ka lang po?” tanong ni Vienna na siyang sumundo sa ‘min. kanina pa ata siya naghihintay sa parking lot na iyon.

Agad akong umiling. Dali-dali kong sinenyasan ang mga bata na pumasok muna sa kotse habang nandito kami ng mga ate nila sa labas ng kotse.

Vienna looked at me with her eyes full of worries, watching my reaction as I shiver in deep anger.

“Hindi ko maintindihan kung nagdedelusyon lang ba ako o ano, anak.”

“Ano po ba talaga kaseng nangyayari, mama? You need to calm down”
Napa malalim na lamang akong buntong hininga.

Napa angat siya ng tingin sa likuran ko na parang may nasaksihan siyang tila pamilyar na taong hindi niya gustong makita.

But her facial expression remained stiff, not showing any signs of fear in her eyes.

“Let’s go somewhere, kanina pa nila tayo hinihintay” wika niya sabay alalay sa ‘kin papasok sa kotse niya na regalo ni Aisha. Sabay alis.

Hindi siya nagdalawang isip na paandarin ito papalayo doon. Tahimik siyang nagmamaneho patungo kung saan habang nanatili lamang ang paningin niya sa daan ng malamig ang mga mata.

“Ate, pupunta ka po ba sa birthday ni tito Marcus?” tanong ni Thana na nagpa balik sa ‘kin sa realidad.
Birthday nga pala ngayon ni Marcus at nangako ako na pupunta ako. Kami sana ni Vienna, kaya siya na ‘tong pinag sundo ko.

“Mama, pupunta pa ba tayo kay tito??” tanong niya na may bahid parin ng pag aalala sa ‘kin matapos nang nangyari kanina.

Agad naman akong napa tango. “Naka bili na tayo ng regalo sa tito mo, tsaka nakapag order na din ako ng isang bilaong palabok. Hindi na tayo pwedeng hindi tumuloy”

Napa tango siya. “Okay then, mama.” She smiled lightly while continue driving.

“Nakss, ngiti na si ate. Porket makikita na si attorney Mauve”

Nanlaki ang mata ni Vienna nang mabanggit ni Thana ang kapatid ni Marcus na isa na ring tanyag na abogado. Tama nga ang hula ko noon na istudyante  siya ni miss Varene. At ngayon, gaya ni miss Varene noon ay isa na din siyang propesora sa isang sikat na law school dito sa ‘min at umaasikaso rin siya pa minsan-minsan ng mga kaso.

“Oo nga ate, diba crush mo yun? Karma gave you the list of her social media accounts her number” Ck teasingly said.

“Munchkins---”

“---I saw you looking at her facebook account, did you chat her na ate? Diba you have a crush on her matagal na---”

“—Mama nagugutom na ata sila? Should we go to a drive thru? Ako na magbabayad bagong sweldo naman ako manahimik lang sila” pagtukoy niya sa trabaho niya sa Darshanna bilang designer parin.

Napa iling na lang ako sa kanila habang pinapakinggan ang pag bibiro nila sa ate nila. Halatang nadadala na sa pang aasar ng mapang asar niyang mga kapatid eh.

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now