42- No more games

1.1K 47 5
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐑𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎

~𝑵𝒐 𝒎𝒐𝒓𝒆 𝒈𝒂𝒎𝒆𝒔~

KINAILANGAN na tuluyan na mamatay si Aishaelle Monteverde. Hindi naman literal dahil kung mamatay nanaman ang asawa ko baka tuluyan na akong matakasan ng bait.

Ang ibig kong sabihin, dahil hanggang ngayon wala paring kasiguraduhan sa kaligtasan ng buhay ni Aisha. hindi parin siya maaring lumitaw na lamang nang basta-basta sa mata ng publiko o kahit ng sino man at magpakita na buhay siya. Kaya naman pansamantala muna siyang magiging si ‘Sasha Victorine Abellana’. Yun muna ang pansamantalang pangalan na kailangan niyang gamitin habang nagsisimula siya ng panibagong buhay.

Sobrang saya niya nang muli nanaman siyang maka balik sa ‘Darshanna’ na si miss Violet ang siyang nagpatuloy nang akala ng lahat na patay na siya. Sa pag sabak niya sa pansamantalang training bilang C.E.O. ng kumpanya ay talagang ginawa niya ang buong kakayahan niya para lamang maka balik siya kaagad.

And sa galing niya at dedikasyon, hindi na  ako nagtaka nang mabalitaan ko na naibalik na sa kanya ang posisyon niya.
At kaya naman naging abala nanaman ang misis ko. at ang ending, eto ako sa kusina ng coffee shop namin. Nag be-bake ng naka busanggot dahil sa labis kong pagka miss sa kanya.

Eh paano ba naman kase, halos dalawang  linggo na kaming hindi nanaman nagkikita dahil sa pagiging busy niya simula noong nagbalik nanaman siya sa  posisyon niya.
Although, halos araw-araw naman siyang nag te-text, nag cha-chat at nag vi-video call sa ‘kin. Habang si Sasha naman ang pinaka excited na mag chat sa ‘kin.

At maging sa chats ay nagagawa ko nang ma identify kung sino ba sa kanila ang  kausap ko.

“Accla, anyare sa ‘yo. Naka busangot ka naman ata dyan?” tanong ni Lian na kaka tapos pa lamang mag hatid ng mga orders sa mga costumers namin.

“Busy bebe ko, kaya wala nanamang kulay ang life ko” biro ko sa kanya matapos kong ilabas ang mga pastries na bagong gawa ko pa lamang at handa nang idisplay sa may counter namin.

“Kaya naman pala eh, sana all na lang sa inyo” marahan siyang napa sandal sa pader habang naka busangot din ang muka.

“Ikaw? Anyare din sa ‘yo. Nga pala Nakita ko kayo noong isang araw sa parking  lot. Kausap mo si miss Avery---” agad na lamang natigil ang  sasabihin ko ng bigla niyang takpan ang bibig ko ng isang piraso ng cringkle na kinakain niya.

“—don’t say bad words accla!! May amnesia ako, oo. Di ko kilala yung pangalan na ‘yon. Avery? Sinong Avery? Nakakain ba yun? Tao ba yun?” eksahirada niyang saad sabay napapa iwas pa ng tingin na agad ko naman na ikinatawa.

“King1na mo, parang hindi ka nag aya ng  inuman dahil kay miss Avery ah?”

“Sinabi ng don’t say bad words!” natawa na lang kami pareho.

“Accla ka, mas nauna ka pa sa ‘king manlandi ng ‘Monteverde’ kaya manahimik ka nga dyan” Pag tukoy ko sa nai kwento niya sa ‘kin noon patungkol sa kanya  at kay miss Avery na halos hindi ko na sana paniniwalaan noon. Pero totoo  talaga pala.

Nauna pang manlandi ang nagiisang Andreli Annari ng isang Monteverde bago sa ‘kin eh.

“Gag0, landi ba yung hinalikan mo yung nambubully sa ‘yo noong highschool bilang ganti sa pamamahiya niya sa ‘kin noon?” Taas kilay niyang tanong.

“Galing ng  ganti mo beh, Hinalikan mo si miss Avery noon sa party ng school niyo. Ilang taon ka nga pala non. Grade 8?? Nang halik ka ng senior high sa stage—”

“Beh king1na mo ‘wag mo na ipaalala. Oo na, hinalikan ko si Avery Monteverde noong highschool ako. happy?” natawa na lamang ako sa sama ng tingin niya sa ‘kin.

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now