45-peaceful

906 35 6
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐑𝐓𝐘 𝐅𝐈𝐕𝐄

~𝑷𝒆𝒂𝒄𝒆𝒇𝒖𝒍~

(A/N: Ang hirap i-let go ang story na 'to😭 dapat chapter 46 end na eh. Why do i feel like gusto ko dagdagan ng chapters kahit some random scenes na lang? Gosh ang hirap huhu. Please tell me if you want me to add more chapters and suggestions, hehe!)

PARA NA akong siraulo kaka gawa ng kung ano-anong facial expression sa muka ko habang nasa harap ako ng dalawang stroller kung saan kaharap ko ang dalawang batang tawang-tawa sa itsura ko. naging clown pa nga ako ng wala sa oras, pero worth it ang mga iyon dahil ang ganda-ganda pakinggan ng mga tawa nila.

“Nako naman, ginawa niyo na akong clown mga anak.” I muttered but I covered my face with my palm. And the moment I took it off. “PEEK A BOO!!”
Maging ang katabi ko habang naka upo ako sa waiting area ay napa tingin na lamang sa stroller na nasa harap ko dahil sa lakas ng halakhak ni Ck.
Habang si Kc naman ay naka ngiti lang at hindi man lang natawa sa ginawa ko.

Tinaasan lang ako ng kilay,
manang-mana sa isang nanay. Pero nang kiniliti ko ang maliliit niyang leeg at sa wakas natawa na lamang siya.

“Oh diba, natawa ka ding bata ka…” napa iling na lamang ako ng may ngiti sa labi.

“Ang cute naman misis ng mga anak niyo” napa lingon ako sa babaeng katabi ko dito sa waiting area.

Halatang nanggigil siya habang tila pinipigilan ang sariling kurutin ang matatabang pisngi ni Ck. May bata namang naka upo sa tabi niya at tila parang naiinis sa tuwa ng mama niya sa mga anak ko.

“Nako, ang dami nga pong nagsasabi niyan”

“Anong pangalan nila? Kambal ba sila?”
I smiled. “Opo, eto pong baby ko… siya si Ck, Chaos Killian” I muttered Ck’s
name. “habang ito naman pong si Kc, Karma Carmilla.”

Napa iling  siya. “Ang cute sana misis ng mga anak mo, kaso ang taray ng pangalan” natawa na lamang siya at maging ako ay napa iling na rin.

Miski din ako naloloka sa pangalan ng mga anak namin eh. Sa sobrang gusto ni Aisha ng unique na pangalan, maging ako naloka na lamang din sa nabuo naming pangalan. Ako man ang nag isip ng mga letra na susundan namin para sa pangalan nila, siya parin ang nag isip nito.

Sabi ko sa kanya dapat kasing cute nila ang pangalan nila. Pero, ang ending cute naman daw ang pangalan nila. Hindi ko nga alam kung bakit nag tunog brutal ang mga pangalan nila.

“Mommy, hindi sila cute!” naiinis sa saad ng batang babae na katabi niya sabay krus ng kanyang braso.  Nasa anim na taon na ito, may blonde na buhok at matatalim na tingin kay Karma gamit ang asul nitong mga mata.

“Mavina!”

“Di sila cute mommy, lalo na yang baby girl na yan.”

“Ang ganda-ganda niya kaya anak oh”
Nilapitan ng batang babae si Karma.

“Di siya cute mommy, she looks like a potato! How can you find her cute when she’s not!”

Karma gave her a sharp look as if she understands what the little girl said.

“Mavina, take that back! Nakaka hiya” wika ulit ng mommy niya.

“No! you’re not giving me any attention mommy, tapos sila na cute-cute-an ka sa kanila!”

Nanlaki na lamang ang mata ko ng biglang kunuha ni Karma ang kamay niya na ikina gulat ng batang babae sabay kagat niya na ikina iyak na lamang ng bata. Humingi ako ng sorry sa mag ina sabay dali-daling tinulak ang malaking stroller nila kung saan sila naka nanatiling dalawa.

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now