47-Bad

728 31 2
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐑𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

~𝑩𝒂𝒅~

VIENNA’S 18th birthday was something that I will treat as a dream come true for me. Sinigurado ko na ang araw na iyon ang isang  pagkakataon na maalala ni Vienna sa  buong buhay niya.

We celebrated it in one of the Monteverde’s hotel that they own. Flashing lights and the luxurious place was something that made that day even more dashing.

Paano ba naman? Talagang binongga-han talaga namin ni Aisha ang lahat-lahat. lalo na ako, ilang buwan ko itong pinag ipunan. Maibigay ko lang sa kanya ang isang birthday party na alam kong ikatutuwa niya.
At halata naman na napa saya ko si Vienna nang araw na iyon.

Matapos ang birthday ni Vienna ay agad naman kaming bumalik sa mga dati naming buhay.

Abala ako sa pagmamaneho ng kotse ko patungong paaralan ng mga bata kasama ko si Vienna, balak ko din sanang bisitahin si Aisha sa opisina niya mamaya kasama ang mga bata.

Sa sobrang busy ba naman niya ngayon sa Darshanna ay baka hating gabi nanaman siya maka uwi. Gaya kagabi.
Wala paring nagbago. She’s still using the name ‘Sasha’. pero bibihira na lamang kung lumabas si Sasha dahil na rin sa proper medications na sinusnod ni Aisha. natigil kase ito noong nagbubuntis siya. Sinadya niyang itigil ang pag inom sa mga gamot na iniinom niya para kay Thana noon.

Kaya naman ngayon, ay bibihira na lamang lumabas si  Sasha. madalas ay kapag sobrang stress na talaga siya o kaya naman may naka trigger sa kanya.

“Ewan ko ba anak eh, ang sabi naman sa ‘min ng doctor ni Karma noon. She’s a normal child. In fact, a really smart one. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit di siya makapag salita” wika ko habang abala parin ako sa pagmamaneho ng kotse ko.

“Ma, hindi naman pipi si Karma kaya hindi niyo siya kailangan na dalhin sa doctor”

“Nag aalala lang naman ako anak eh, alam mo naman na madalas na natutukso si Karma sa skwelahan niya dahil nga sa kondisyon niya”

Vienna heaved a deep sigh. “Tita Nathalie told me that’s one of the factor while Karma can’t say a word, ma. Tsaka yung nangyari sa kanya 2 years ago. Yun din yung isa sa mga rason kung bakit hindi din makapag salita si Karma”

Bigla na lamang akong natigilan ng bahagya ng muli nanaman maalala ang nangyari kay Karma noon.

“Hanggang ngayon, sinisisi ko parin ang sarili ko dahil sa nangyari”
Napa lingon siya sa ‘kin. “Ma, it’s not your fault okay? Naiintindihan naman ni Karma na kailangan niyong asikasuhin yung pagkaka sakit ni Thana noon.”

“Pero dahil sa kapabayaan ko. muntikan na siyang mawala sa ‘tin”
Karma was almost kidn4pped before. At wala kaming ideya kung sino ang muntikan nang may gawa nun sa kanya.

Aisha was so busy that day, to be honest. Lahat kami. Kaming dalawa ni Aisha ay parehong abala noon dahil sa pagkaka sakit ni Thana. To the point that kinailangan noon ni Aisha na mag donate ng dugo para sa anak namin. Sa gitna nang dagok na iyon, muntikan na din na mawala si Karma sa amin.

“Ma, hindi mo yun ginusto. And besides, you didn’t expect that to happened.”

Ako ang kasama niya noong mga panahon na iyon. sinundo ko kase sila ni Ck noon, puyat dahil sa pagbabantay ko sa bunso ko sa hospital. At matapos kong maipasok si Ck sa kotse. Saka naman may humablot kay Karma noon.

Hindi ko siya nagawang habulin, ni hindi ko din nagawa siyang ipagtanggol sa takot ko noong mga panahong iyon. tatlong armadong lalake ang kumuha kay Karma. Pinilit kong lumaban noon pero natakot ako na maging si Ck ay kunin nila.

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now