1- Enchanting eyes

2.7K 71 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐎𝐍𝐄

~ 𝑬𝒏𝒄𝒉𝒂𝒏𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒆𝒚𝒆𝒔~

ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos kong ilapag ang bag ko sa ibabaw ng sofa unang hakbang ko pa lang sa loob ng maliit kong bahay matapos ng isang mahabang gabi.

At nang tuluyan na akong maka pasok ay hindi ako nadalawang isip na ibagsak ang sarili ko sa sofa upang ipahinga ang namamaga kong mga paa dahil sa matataas na takon ng sapatos ko na kanina ko pa iniinda.

At hindi nga ako nagkakamali. Pag tanggal ko pa lang ng sapatos ko ay sobrang maga na nga ng paa ko. maging ang iba pang parte ng katawan ko ay may mga pasa na rin dahil sa mga ilang stunts na ginawa ko kanina sa club.

Bukod pa dun ay ang ilang beses na pambabatos na natanggap ko ngayong gabi sa mga lasing na customers.
It hurts like h3ll.

Pero , nanatili na lamang akong tahimik gaya ng lagi kong ginagawa at saka pinilit parin na maglakad patungo sa loob ng kwarto namin. Pag bukas ko pa lang ng pintuan ay marahan ko ng pinilit na sumilay ang mahinang ngiti sa mga labi ko ng biglang mapa lingon sa ‘kin ang anak kong si Vienna na halatang kanina pa naghihintay sa ‘kin.

“ Mama!!” She screamed in excitement when she saw me and I didn’t hesitate to run towards her with a hint of smile on my red lips to hide my pain in front of her. 

“ Vienna , anong oras na ah? Bakit hindi ka parin natutulog na bata ka” seryosong anang ko sa kanya na agad niya naman ikina nguso.

“  Mama naman po! , maaga pa naman po eh” naka nguso niyang saad na agad na lang na ikinakunot ng noo ko.

“ Ano nanaman yang pinapanood mo huh? Si Elle nanaman ba yan?”

“ Mama , Aisha po. Ngayon po kase lumabas yung bagong episode teleserye niya po , mama.” She just gave me a bright and cheerful smile that somehow ease my pain.

Bakit pa nga ba ako mag tatanong. Hindi pa ba ako nasasanay?
Eh halos ata kahit saan man ako lumingon dito sa loob ng kwarto naming ay may picture siyang naka dikit  ng idol niyang artista na si Elle Monteverde eh. Hindi ko nga alam kung bakit ba baliw na baliw siya dyan sa idol niya.

“ May dala akong pansit. Gusto mo ba kumain , huh? Nagutom ka ba kakahintay sa ‘kin?” I slowly caressed  her long black hair.

Parang noon lang , karga-karga ko pa lang siya. Ngunit ngayon , halos maging kamuka ko na siya. Pwera na lang siguro sa ibang parte ng muka niya gaya ng ilong at kilay niya. gayang gaya ito sa hay0p na hindi ko papangalanan pa kung sino.

“ Opo mama! , pero anong oras na po. Hindi ka pa po ba matutulog? Mag titinta ka pa ho ng isda sa palengke mamaya. Tapos po mamaya nanaman pong gabi pupunta ka nanaman po sa club” nag aalalang sabi ni Vienna.

“ Anak , ‘wag mo na muna yang isipin. Halika na at kumain na muna tayo si Mama na ang bahala sa mga bagay na yun” 

I just gave her a smile before we both go to our small kitchen inside our very small apartment.

KINABUKASAN , marinig ko pa lang ang malakas na alarm ng cellphone ko ay agad ko ng iminulat ang mga mata ko kahit kakatulog ko pa lang halos ilang minuto pa lang ang lumipas.

Hindi ako nagdalawang isip na bumangon sa banig naming at saka agad na ginising si Vienna upang makapag handa na siya sa eskwela.

Kahit pa namamaga pa ang mga paang pilit kong inalalakad ay pilit ko na lang itong ininda habang nagluluto ako ng agahan para sa amin ng anak kong si Vienna. At matapos ko lamang siyang ihatid sa skwela ay agad na akong nagtungo sa palengke. Upang gamitin naman ang boses ko sa pag bebenta ng mga isda na tinda ko.

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now