27- The devil's dance

1K 50 2
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

~𝑻𝒉𝒆 𝒅𝒆𝒗𝒊𝒍'𝒔 𝒅𝒂𝒏𝒄𝒆~

SINUBUKAN KONG habulin si Aisha sa mall  upang masundan siya pero sa dami ng mga taong simisigaw ng pangalan niya. sa dami ng tao na dumumog sa kanya. nawalan na ako ng pagkakataon na habulin siya.

Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si Vienna na kausap ang yaya  na nagbababantay sa kanya kapag wala  kami ni Aisha. si yaya Bel. Ang naging yaya rin ni Aisha noon.

Nang mapansin ako ni Vienna ay agad siyang napanguso. “Yaya Bel. Hindi na po ata uuwi si mimi ngayon. aakyat na  lang po ako.”

Agad na napakunot ang noo ko nang akmang hindi niya ako papansinin. Iniwan muna kami ni yaya Bel hanggang sa doon na ako nagkaroon ng pagkakataon na magsalita.

“Anak, asan si mimi Aisha mo?”
She hissed annoyingly at me. “Naiinis po ako sa ‘yo mama.” Pag amin niya. marahan akong naupo sa tabi niya habang naka kunot parin ang noo niya sa ‘kin.

“ Sabi mo po nasa friend mo ikaw. Tapos hindi naman pala. Nakakainis ka po kase nagsinungaling ka sa ‘min ni mimi.”

“ Anak alam ko mali yung ginawa ko. Nakita ko kase kung gaano ka excited mimi eh. ayoko masira yung excitement niya kapag nalaman niya na may kailangan lang akong puntahan”

“Hindi ko po naiintindihan kung bakit sobra pong nagalit si mimi kanina kase alam ko pong hindi lang po yung pagsisinungaling mo yung dahilan. Pero naiinis po ako sa ‘yo kase wala na pong balak si mimi na ituloy yung plano sana namin para sa ‘tin. Sobra po ang saya niya kanina. tapos kanina pag uwi namin sobrang sad na niya”

Hindi ko na lang maiwasan na matahimik. “mamaya na lang po kita kakausapin, mama. Ayoko po na ma away kita. Bigyan niyo po muna ako ng time para maalis po init ng ulo ko. ganito po kase turo sa ‘kin ni mimi.” she kissed my cheeks. “Bye na po muna, mama”

Wala na akong nagawa nung iwan niya ako sabay akyat sa kwarto niya. mas Mabuti na rin siguro na magpalipas muna siya ng init ng ulo dahil sa ginawa ko.

Habang nagpapahinga siya. Kanina ko pa intini-text si Aisha. na tadtad ko na din siya ng tawag at chats na ni-seen niya lang.

  Aisha, please mag usap tayo? -
please hayaan mo lang ako na mag explain-

Pupuntahan kita. -

asan ka ngayon? please sabihin mo na please lang. I just want to explain.-

alam ko mali na nagsinungaling ako. at willing akong harapin lahat ng consequences ng actions ko. gagawin ko lahat ng gusto mo pumayag ka lang na mag usap tayo.-

alam ko masama ginawa ko. pero hayaan mo ako mag explain I promise lahat  ng gusto mong gawin ko gagawin ko. mapatawad mo lang ako.-

*seen at 4:12 Pm

Kung ano-ano pang pinagsasabi ko pero puro seen lang talaga siya sa mga messages ko. halatang naiinis talaga siya ng Malala sa ‘kin. 

Kasalanan ko din naman eh.

Sino ba naman kase nag sabi sa ‘kin na magsinungaling na lang ako para hindi ko masira mood niya. pero ang ending hindi ko lang nasira mood niya. tiyak kong sobra siyang naiinis ngayon sa kin.

Please Aisha, gagawin ko lahat ng gusto mo. -

Please? Asan ka ngayon. mag usap  naman tayo please… -

*Seen at 4:34 pm

-I  hate what you did.

Nanlaki ang mata ko nang sa wakas nag reply na  din siya.

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now