37-Dreams without you

807 33 7
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

~𝒅𝒓𝒆𝒂𝒎𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉𝒐𝒖𝒕 𝒚𝒐𝒖~

ILANG linggo  pa ang mga lumipas. Pakiramdam ko ang mga linggo na iyon ang pinka mabibigat na linggo sa buong buhay ko. Bawat araw, tila mala parusa kong hinaharap ang bawat umaga, sinasanay ang sarili ko na gumising sa pag sikat ng araw na wala na ang taong dahilan kung bakit pa may ngiti sa labi bawat pag gising ko.

Parang unti-unti na rin akong nasasanay. Pero hindi ibig sabihin na tanggap ko na ang lahat.

Nahuli na ang dumukot kay Aisha, pero hindi ang nag utos. Napag alamaan ko din na isang araw bigla na lang din hindi nagpakita si Enzo. He quit his job and suddenly he was nowhere to be found. At hanggang ngayon, wala paring nakaka alam kung sino ang tinuturo ng mga dumukot kay Aisha na nag utos raw sa kanila.

Hindi ko na inalam pa ng malalim ang proseso ng kaso niya. Lalo na’t naka tuon an ang atensyon ko ngayon kay Vienna, sa pamilya ko, pag aaral ko at pag kunsulta ko sa psychologist na kinuha ko para sa therapy ko na malaking tulong din para sa ‘kin.

Nakulong siya ilang araw din ang lumipas matapos ng sinapit ni Aisha. Hindi talaga tumigil ang pamilya ni Aisha para mapa kulong lang siya. Hindi ko man alam kung anong mga ginawa nila. Basta ang alam ko lang ay hindi sila tumigil.

At dahil doon, pakiramdam ko tuloy lalo wala akong naging pakinabang. Wala nanaman akong nagawa kung hindi ang magpaka lugmok sa kinalalagian ko. magkulong sa apat na sulok na kwarto kung saan ko ibinubuhos ang luha ko hanggang sa maubusan ako ng luha.

Araw-araw pumapasok ng mugto ang mga mata. Kaya nasanay na rin siguro akong gamitin ang malaking sun glasses ni Aisha na madalas niyang gamitin noon. Naiwan niya ito kasama ang mga gamit ko. At nakuha ko na rin ng kinuha ko lahat ng mga gamit ko sa bahay niya.

Ang sabi sa ‘kin ng doctor ko. Mas makakabuti kung magkakaroon ako ng panibagong environment lalo na’t sa bawat araw na lumipas na gumigising ako sa kwarto ni Aisha. Nanatili ako sa bahay niya, pakiramdam ko para parin akong umaasa na bigla na lang siyang susulpot kung saan para yakapin ako.

Hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat, ngayong wala na siya. Ang gumising bawat umaga na wala siya. Parang matatalim na kutsilyo na araw-araw sumasaksak sa ‘kin.

“SIgurado ka na ba kaya  mo mag isa??” tanong ni Lian sa ‘kin sa pag dating namin sa isang restaurant kung saan  ako nagpa sama sa kanya.

She caressed my back as we started to walk. “Pwede  naman kita Samahan sa loob?” nag aalala niyang tanong.
Isa na rin sa pinapasalamat ko kahit papaano ay ang pananatili nila sa tabi ko sa ganitong sitwasyon na hinaharap ko ngayon.

Lian never leaved at my side no matter how stiff I am. No matter how cold I am to everyone.

Siya rin ang tumutulong sa ‘kin sa pag aaral ko habang nahihirapan parin ako sa mga bagay-bagay na naging epekto sa ‘kin ng biglaan na pagka wala ni Aisha.

I just gave her a sly smile as I tapped her shoulder.

“Ayos lang ako, pwede ka naman na mamasyal muna kahit saan mo gusto. Balikan mo na lang ako ng mga ilang minuto”

She heaved a deep sigh as looked into my face. Scanning if I’m really saying a truth about what I feel.

“sigurado ka talaga dyan ah?”
I nodded that made her somehow gently smile at me. “Basta kapag tapos na kayong mag usap niyang mga sister in law mo. tawagan mo ako.

maghihintay lang ako dyan sa may kanto. Kapag ginombag ka ng mga ‘yan tawagan mo agad ako, aabangan natin sila sa kanto” she jokingly said, trying to lift up my mood somehow.

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now