13- This feeling

1.1K 54 8
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍

~ 𝑻𝒉𝒊𝒔 𝒇𝒆𝒆𝒍𝒊𝒏𝒈 ~

HINDI na naming masyadong na enjoy ang honeymoon kineme namin ni miss Aisha. isang araw pa ang tinagal namin doon. At wala na lang kaming ibang ginawa kung hindi ang manatili sa loob ng bahay. Dahil sa sama ng pakiramdam ni miss Aisha. Pagsapit ng gabi ay napa tawag na talaga kami sa magulang niya gamit ang nagiisang telepono sa bahay. Kahit kase bumaba na ang lagnat ni miss Aisha ay hindi parin ito bumababa kaya naman hindi ko na napigilan na humingi na ng tulong sa kanila dahil sa pag aalala.

Pero sa kinamalas-malasan ko ba naman ay nakasagupa ko pa ang matigas niyang ulo.

Pag uwi namin sa bahay nila ay sobrang tuwang-tuwa si Vienna sa pag babalik naming. Una kaming nagtungo sa Hacienda Monteverde para sunduin si Vienna.

Pag dating namin doon ay naabutan namin si Vienna at Avery sa garden na may hawak na tig isang pana habang tinatarget ang dalawang mansanas na ipinatong nila sa isang stand.

“ Now remember what I said , Vienna.” wika ni Avery sa anak ko na nasa tabi niya lamang. 

Miss Avery is wearing black sweat pants a Calvin Clein bralette that showed her flawless and almost perfectly carved body.

“ Focus and aim!” Vienna energetically said upon aiming the apple.

Natigilan kami ni miss Aisha pareho sa pag lalakad upang panoorin namin sila.
Naka krus ang magka bilang braso ni miss Aisha habang inis niya akong nilingon.

“ Will you please stop staring at my sister?” she said in full annoyance.

“ Anak ko ho ang tinitingnan ko” paglilinaw ko na ikina irap lang niya.

“ She’s wearing my favorite bralette” inis niyang reklamo.

Pag tira ni Vienna ay agad na lang siyang napa nguso nang hindi niya ito natamaan.

“ It’s okay baby ,  let tita try” wika ni miss Avery sabay kuha ng bow mula sa kanya. Kumuha siya ng isang arrow at sabay ito mabilis na tinira sa mansanas na wala man lang na kahirap-hirap.

Sa kanilang triplets si miss Avery lang talaga ang may pinaka magaan na vibes. Hindi na rin ako magtataka kung bakit agad silang nag click ni Vienna eh. Dahil siya yung tipo ng tao na pwede mo talagang malapitan at makausap at imbes na mawirduhan siya sa ‘yo ay kakausapin ka din niya ng pabalik.

“ wow!” I mindlessly said that made miss Aisha’s brow furrowed.

Avery and Vienna smiled upon aiming it. Habang si miss Aisha naman ay pumalakpak ng sarkastiko. Dahilan upang mapa lingon sa kanya si miss Avery at Vienna.

“ You’re using my bow and even my bralette , Avery. Of course you’re going to aim that.” agad na natigilan si Miss Avery sa ginagawa niya at saka naman siya napa tingin sa kapatid niyang kanina pa masama ang tingin sa kanya dahil sa suot raw nito ang damit niya.

“ Mama!!”  dali-daling tumakbo si Vienna patungo sa ‘kin ng makita ako. agad niya akong niyakap ng napaka higpit. At nang makita niya naman si miss Aisha ay agad niya itong niyakap at kinarga naman siya ni miss Aisha.

“ hello , darling…”

Vienna kissed her cheeks. “ Na miss ko po kayo!! Sabi po ni miss Avery bumuo na daw po kayo  ng kapatid ko eh”
Napa iwas na lang kami ng tingin sa isa’t-isa dahil sa sinabi niya.
Grabe naman ‘tong anak ko , nag enjoy na talaga sa mga Monteverde.
Marahan na lumapit sa ‘min si miss Avery dala parin ang bow at arrow ni miss Aisha.

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now