16-Survey

846 52 2
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐗𝐓𝐄𝐄𝐍

~ 𝑺𝒖𝒓𝒗𝒆𝒚~

HABANG PAPASOK KAMI SA LOOB NG RAVEN CLUB ay hindi ko na ata mabilang kung ilang beses na akong tinanong ni Lian kung sigurado ba daw ako na dito talaga ang punta naming matapos naming mag pre drink sa bahay nila. Sa tulong naman ni Marcus na nagtratrabaho dito ay nakakuha kami ng magandang pwesto dito. para atang umaayon ang lahat ng tala ngayong gabi. Pumayag pa nga ang nanay ni Lian na naka uwi na ngayon mula sa probinsiya na siya na muna magbabantay kay Vienna. At close naman sila ni Vienna kaya naman kampante ako.

Medyo man sapi na rin kami ng alak nang pumunta kami dito ngunit kaya pa naman naming. Kaysa kase dito talaga kami uminom. Baka di pa kami nakaka tagal dito ubos na pera ako. ako pa naman pumulit sa kanila na sumama sa ‘kin at ako naman ang malilibre.

Matapos nga kaming iwan ni miss Aisha kanina. Wala na akong alam kung anon ang ginagawa niya ngayon o kaya naman asan na siya. Dahil kahit ano naman na update ko sa kanya binabasa niya lang at hindi man lang magawang mag reply na para bang napaka hirap gawin nun kaya tumigil na lang ako sa pag chachat at pag tetext sa kanya dahil baka nakaka istorbo lang ako.

dahil kahit ganitong oras kase nag tratrabaho din siya minsan. Kaya naman ayokong maka istorbo sa kung ano naman na ginagawa niya ngayon.

“ CHEERSSS!!!” I clinked the rim of my glass to their glass as I chug it without hesitation as we hear a loud music surrounding us.

Medyo pikon din ako sa sarili ko ngayon lalo na’t kahit sinabi ko na sa sarili ko na ‘wag nang isipin si miss Aisha at kaya nga nag aya ako mag inom para makalimutan ko ‘tong pesteng paghanga ko sa kanya eh. pero hindi parin. Hindi ko ba alam sa babaeng ‘yon. sa sobrang lakas ng gayuma niya para atang hindi siya napapagot tumakbo sa isipan ko.

“ Ano bang pumasok sa isipan mo at dito mo kami nilibre aber? Wala nga akong trabaho ngayon dito mo parin naman kami dinala. Ang mahal kaya dito” wika ni Marcus habang abala naman ako sa pag lagok ng inumin ko.

“ Okay lang , kayo naman yan. Tsaka kayo lang kaibigan ko dito noh. mataas din ang sweldo ko kay miss Aisha kaya di naman ako maumulubi sa pag lilibre sa mga kaibigan ko” natigilan na lang ako sa pag sasalita nang muli nanaman akong nainis sa sarili ko nang mabanggit ko nanamang muli ang pangalan niya.

“ Oh siya , eto na ang tanong ko. kanina pa ako nagtataka eh. di ka naman ganun ka hilig sa alak kahit may pagka lasinggera ka. may problema ka ba?” Tanong ni Marcus  na nasa tabi ko. marahan na hinahaplos nag likod ko.

“ Wala naman” agad kong sagot.
Dahil sa totoo lang , totoo naman eh. lahat ng mga pansanin ko noon ay Nawala naman nan ang paunti-unti. Unti-unti ko nang nababayaran mga utang ni Mama. Napagamot ko na si lolo at nagpapa galing na. may kaunti na rin akong naiipon para sa pag aaral ni Vitto at Vienna. maging pa nga sa sarili kong pag aaral. May nalalaan na ako.

Pero sa itsura at paraan ko ngayon ng pag inom ngayon ay daig ko pa ang pumapasan ng buong mundo.

“ weh?? Mukang hindi. Sa pag hinga mo pa lang nang malalim. Para kang kambing” biro ni Marcus na ikinatawa niya nang bahagya nang makita niya ang reaksyon kong medyo inis sa kanya. “ joke lang”

Napatingin kami kay Lian na kanina pa tahimik na naka tingin sa ‘min. at nang mapa tingin sa kanya si Marcus ay napa iwas na lang siya ng tingin sabay ibinaling ang mga paningin sa mga tao sa paligid na karamihan ay mga sikat na personalidad.

Para ngang kami lang ang naiiba, “Ikaw naman , anong problema mo? kanina ka pa tahimik?” Marcus held her a bit tight making her cheeks a bit reddened as she look away.

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now