34- JUST DONT

966 48 8
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘 𝐅𝐎𝐔𝐑

~𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒅𝒐𝒏𝒕~

HANGGANG ngayon hindi parin magawang makausap ng maayos ni Enzo si Vienna habang nasa loob kami ng paboritong fast food chain ni Vienna.

I already told Vienna about Enzo. Nagpapasalamat ako na matalinong bata si Vienna at Madali niyang naitindihan ang lahat sa isang paliwanag ko lang. Siya na din mismo ang nagsabi na gusto niyang makilala si Enzo.

She wasn’t that excited about it. Kanina ay medyo masaya pa naman siya ng una niyang makilala si Enzo. Pero magmula nang makita niya raw si Aisha medyo tumamlay siya dahil sa pag aalala niya sa mimi niya na ilang araw na rin niyang hindi nakakasama.

Dahil nitong mga nakaraang araw, panay si Aisha ang bukambibig niya. Dalawang araw din kase na si Aisha lang ang nakasama niya sa bahay, hanggang sa pilitin na niya si Aisha na puntahan ako. at ngayon naman si Aisha nanaman ang gusto niyang puntahan.

Nahihirapan siya sa sitwasyon namin ngayon, at miski din naman ako. Labis na akong nag aalala kay Aisha. pero hindi ko magawang magkaroon ng lakas ng loob para kausapin man lang siya.

Nabalitaan ko kay Vienna na sobrang abala na  ni Aisha nitong mga nakaraang araw lalo na’t bumalik na siya sa pagiging C.E.O. ng kumpanya ng Pamilya nila.

Sa sarili niyang Negosyo at sa kumpanyang pinapatakbo niya inilaan ang oras niya.

“Nakita ko po talaga si mimi. promise po” bulong niya sa ‘kin habang papalapit sa ‘min si Enzo dala-dala ang ini order niya para sa ‘min ni Vienna.
Vienna just gave her a stern look as Enzo sat down in front of us.

“Ano yun Vienna? is there’s something wrong?” tanong sa kanya ni Enzo na agad niya na ikina iling.

“Wala po, gusto ko na lang po umuwi”
His brows furrowed “Why? Don’t you like in here?”

“May pending projects pa po kase ako. tsaka nag aalala din po kase ako kay mimi. nag agree lang po ako kay mama na makilala ka kase sabi niya papa parin daw po kita”

He nodded as he  hear her reasons. “What  project? Gusto mo tulungan kita?”

“It’s a fashion project po para sa concept po na gusto kong ipresent sa Darshanna para sa bagong collection”

He nods and gave her a slight smile. “I guess I cant help you with that, Baby. I don’t like Fashion. For me It’s just a waste of time”

Vienna’s brows furrowed. “I didn’t ask you naman po. It’s your opinion. I have nothing to say against that”

She sounded like Aisha a bit. Pati pagtaas ng kilay at pag krus ng braso ni Aisha nakukuha na rin niya eh.
Ramdam ko ang inis niya sa nasabi ni Enzo. Halatang wala siyang ideya kung paano siya pakikitunguhan. At maging ako din naman hindi ko alam kung paano aayusin itong sitwasyon namin.

Kung hindi lang naman niya ako pinilit na gawin ‘to, hindi din naman ako papayag sana. Pero may kasunduan kami ni Enzo.

Hindi na niya kami guguluhin, bigyan  ko lang daw siya ng pagkakataon na makilala si Vienna.

At sa totoo lang, may galit parin ako sa sarili ko at sa kanya sa ginawa niya noon. Pero naisip ko.

Siya na mismo ang gumagawa ng paraan para makilala man lang si Vienna. at kahit naman bali-baliktarin ko ang mundo. Hindi ko parin naman maitatanggi na siya ang tatay ni Vienna. kahit pa galit ako sa pang iiwan niya noon. At sa paglalaho niya na parang bula.

Nagpaalam muna na sandali si Vienna na magbabanyo siya. Akmang sasamahan ko sana  siya pero sabi niya kaya naman niya daw at big girl na daw siya kaya naman hinayaan ko na lamang siya pero naka tuon parin ang mata ko sa kanya upang bantayan siya.

The richgirl's playmateOnde histórias criam vida. Descubra agora