43-party

916 38 2
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐑𝐓𝐘 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄

~𝑷𝒂𝒓𝒕𝒚~

“Misis ko!!!!” Buong lakas kong sigaw habang nasa loob ako ng kwarto ko. Sa lakas ba naman ng sigaw ko hindi ko na alam kung saang parte na ng bahay ito naka abot. Basta ang mahalaga matawag ko si Aisha o kaya naman si Sasha at pumunta sila ngayon sa kwarto.

Hindi parin ako umaalis sa pwinepwestuhan ko. Naka tayo parin sa timbangan para sana I monitor ang timbang ko ngayong nasa 3rd trimester na ako ng pagbubuntis ko.

“Wifey?” wika ni Aisha na halatang na istorbo ko sa trabaho niya. Naka suot pa siya ng reading glasses niya ngayon. At halatang kauuwi pa lang din sa bahay dahil naka suot parin siya ng office attire niya.

When she saw me, she instantly put a gentle smile on her lips when she  understood why did I call her.

“Patulong please, di ko na makita  yung timbang ko” I pouted my lips at her that instantly made her chuckle gentle. Muttering ‘cute’ as she slowly walk towards me.

Marahan siyang lumuhod sa harapan ko, tinitingnan ang resulta ng pag timbang ko. “Misis ko, panget na ba ako??” diretsahan kong tanong sa kanya.

Sa sobrang bilis ng panahon, hindi ko namalayan na kasing laki na pala ng malaking pakwan itong tyan ko. At literal na kasing bigat na din sila ng dalawang pakwan.

Naranasan ko ng mag buntis noon, at isa lang ang masasabi ko ngayong buntis nanaman ako sa anak namin ni Aisha.

HINDI NA MAUULIT.

“Who told you that? you will never be ugly, my wife” wika niya matapos niyang masabi sa ‘kin ang timbang ko na talaga  nag pa lumo na talaga sa ‘kin.

“ANG TABA KO NA” Mariin kong wika hanggang sa nanlaki na lamang ang  mata ni Aisha dahil sa gulat nang bigla na lamang akong humikbi hanggang sa ang hikbing iyon ay naging hagulhol na.
Pero ang gulat na nasa muka niya ay hindi na nabawasan o na dagdagan man lang. Napa hingang malalim na lamang siya sabay marahan niya akong pinaupo sa kama. inaalalayan ang bawat lakad ko lalo na’t talagang nahihirapan ako dahil sa bigat na ba naman.

“Shhh, stop crying na…” Bulong niya matapos niya akong tabihan  sa kama.

“Ang panget panget ko na, muka na akong butanding” I whined once again as she slowly pat my shoulder.

“Baby naman, that’s normal… you’re pregnant eh”

“Kasalanan mo ‘to, di na ‘to mauulit Aishaelle I promise! Muka na akong butanding!” I sobbed once again as I bury my face to her shoulder as she wrap her arms on my shoulder.

“Baby, it’s normal. You don’t have to be sad about it because…” she cupped my cheeks as she  peck a kiss on my forehead. Making me close  my eyes in such gentleness she’s giving me. “…You’re still the most beautiful girl in my eyes… And to be  exact? The most gorgeous  one and the sexiest one.”

“Bolera…”

She lifted her comforting gaze on mine.

“Hindi ako nambobola, wifey. I am splitting facts. And most of all I am not joking…” seryoso niyang saad.

“Baka hindi mo na ako pakasalan dahil sa itsura ko”

Dahil nga sa pagbubuntis ko. Hindi muna kami nagpakasal dahil mas dapat muna namin unahin ang magiging baby namin. Nag desisyon kami na ‘wag na muna sa ngayon. Hindi naman daw problema ang budget according kay Aisha. Pero ako ang pinaka umayon na ‘wag na muna kami magpakasal. At hintayin muna ang panganganak ko.

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now