9- The wife

1.4K 56 3
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄

~𝑻𝒉𝒆 𝒘𝒊𝒇𝒆~

HANGGANG matapos ang cermonya hindi parin ako makapaniwala na nandito ako sa harapan ng altar. Kaharap ang isang babae na dati nakikita ko lang sa mga t.v. o billboards.

Sa buong buhay ko , ngayon lang ako natahimik ng ganito. Tahimik sa paraang hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil para ba itong nasimot dahil sa nangyari kanina. Tapos ngayon , nasa harap kami ng Altar , isinasagawa ang sermonyas na mag iisa sa ‘min ni Miss Aisha.

Napa tingin na lang ako sa kamay ko habang nakikinig kami sa nagkakasal sa ‘min sa venue na napili ni miss Aisha. Suot ko na ang wedding ring na pinili niya para sa ‘min. isa itong simpleng gold ring na may tatlong maliit na dyamante na naka dikit dito na korte puso.

“ I pronounce you , wife and wife. You may kiss your bride , miss…” nang marinig ko ang mga katagang iyon ay agad na nag init ang mga labi ko.

Sa harap ng altar , mariing hinawakan ni miss Aisha ang palad kong basang basa at saka ako pina harap sa kanya.
Isang matinding lunok ang ginawa ko sa ika sampung beses na. napa tingin pa ako kila miss Violet na sinesenyasan kami na mag halikan.

Tapos ito namang si miss Avery ay nag vivideo pa. kaya naman wala nanaman akong takas dito.

Hindi pa nga ako nakaka move on sa nangyari kanina tapos ito nanaman ngayon?? Wala na bang kapahingahan? Pwedeng tagalan pa lalo--- charot lang kase!

Hawak niya ang kaliwa kong kamay habang ang kanan ko namang kamay ay naka dikit sa may bewang niya.
Naka patong ang isa niyang kamay sa balikat ko. at nang marinig niya rin ang mga katagang ‘yon. Marahan niyang ini angat ang kamay niya hanggang sa maramdaman ko ang malalambot niyang mga kamay sa pisngi ko.

I can’t help but to close my eyes when I she slowly swipes her thumb across my bottom lip.

Ayoko nang mabaliw pa sa alam kong mangyayari nanaman. Hindi pa nga ako kumakalma sa nangyari kanina tapos ngayon eto nanaman??
isang masigabong palakpakan na lang ang narinig ko matapos kong maramdaman ang malambot niyang labi muli sa labi ko.

--

“ CONGRATULATIONS!!” sabay-sabay na bati nila miss Violet.

“ Let’s cheers for the newly weds!” Varene clinked the rim of her champagne glass against ours.
Nasa isang pribadong club kami ngayon para i-celebrate ang kasal namin ni miss Aisha. Nasa loob kami ng isa sa mga VIP room nito para sa privacy naming anim.

At aaminin ko , hanggang ngayon talaga hindi parin ako makapaniwala na ikinasal na ako. sa isa sa mga pinaka kilala at pinaka hinahangaang babae ngayon.

Hindi parin inaabsorb ng utak ko ang impormasyong ‘yon. Maging nga ang salitang ‘asawa’ niya ay hindi ko rin magawang matanggap pa ng buong-buo.

“ Still can’t believe that you’re finally married , huh?” napa lingon ako kay miss Violet na naupo sa tabi ko habang pinilit nila miss Narine at miss Avery si miss Aisha na sumayaw daw sa dance floor. Inaya din nga ako nila pero di na lang ako sumama dahil wala naman akong ganang mag party-party ngayon.

Dahil una sa lahat , nasa ibang bansa kami. Hindi ako ganoon ka fluent mag English. Tsaka pilit ko parin iprinoproseso sa isipan ko ang mga nangyari kanina.

“ Hindi parin po nag si-sink in sa utak ko eh ,miss Violet.”

Inis siyang napa Singhal matapos niyang uminom mula sa champagne glass niya. “ ano ba , Mari. Just call me ate Violet. Stop being so formal , pretty Lady”

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now