14- Rule #2

1.1K 63 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍

~ 𝑹𝒖𝒍𝒆 𝒏𝒖𝒎𝒃𝒆𝒓 𝒕𝒘𝒐 ~

“ Denial is a river in Egypt , hindi ko alam na ikaw pala mismo ‘yon” natatawang saad ni Lian habang abala siya sa pag kain ng mani na nabili niya sa nadaanan namin na peanut stall kanina.

Inis ko siyang nilingon habang abala ako sa pag pili ng mansanas na isinisilid ko sa plastic na ibinili sa ‘kin ni manong na binibilhan namin ng prutas dito sa palengke.

Matapos naming maka uwi kahapon mula sa halos dalawang araw naming na pananatili sa hospital ay naka uwi na din sa wakas si miss Aisha mula sa hospital.

Nanatili pa nga kami doon ng isa pang araw  dahil nagpumilit si ate  Violet na magpa check up daw muna si miss Aisha at magpahinga doon kahit isang araw muna. At yun din kase ang naging utos nila tita.

Kahit pa ayaw ni miss Aisha na manatili doon ay wala na lang siyang nagawa since lahat kami nag agree na manatili siya muna doon.
Si miss Avery na muna ang nag batay kay Vienna habang ako ay hindi ko nagawang umalis sa tabi ni miss Aisha. Lalo na’t kasama namin si miss Violet at talagang todo ang pag papanggap namin.

“ Gag0 , pinagsasabi mo?” inis kong tugon sa sinabi niya dahilan upang mas lalo siyang natawa nang nakaka asar dahil sa naging reaksyon ko.

“ anong pinagsasabi ko? pag uulit niya sa tanong niya habang abala ako sa pag babayad ng mansanas na nabili ko.
Nasa kalagitnaan kami ng maingay na paligid dito sa palengke kung saan ako dati nag titinda ng isda. Halos karamihan nga sa mga nakaka salubong ko ay kilala na ako halos.

“ Bakit ba hindi mo na lang kase aminin sa sarili mo na gusto mo nga si miss Aisha kaya nagkaka ganyan”

I rolled my eyes at her. “ I AM STRAIGHT” mariin kong sabi.

“ Sinabi ko bang hindi?”  she rebutted.

“ alam ko naman na never ka pa nagkaka gusto sa babae. Pero wala naman talagang masama dun. Hindi ko lang talaga alam kung anong issue meron ka ngayon kaya lagi mong idenedeny sa sarili mo yang nararamdaman mong yan” kalmado niyang saad habang tumitingi-tingin din siya sa paligid ng mga maari niyang mabenta.

“ Babae si miss Aisha” I told her.

“ Oh ano naman? Yan ba ang issue mo? homophobic ka ba?”

“ hindi”  agad kong sagot.
Hindi ko naman kase dapat maramdaman ‘to eh. wala naman akong pakealam sa mga kagaya nila miss Aisha eh. kase buhay nila ‘yon at kung saan sila masaya edi go lang. kaya hindi ko naman matatawag ang sarili ko na homophobic ako eh.

“ oh so ano nga? Bakit ka nagkaka ganyan?” she asked.

I heaved a deep sigh. “ may trauma pa ako sa ginawa ni Enzo. Tapos pumasok ako sa ganito tapos malalaman ko t4ngina may ganito Nanaman akong nararamdaman. Potang1na  mas Malala pa nga ata” inis kong reklamo.
I am not ready for this feeling. As in hindi talaga!

Kagabi halos mabaliw na ako sa kaka isip kung anong gagawin ko.

“ sa tingin mo? may magagawa ka ba kung ang lakas na ng tama mo kay miss Aisha?”

“ gag0 kase  , sabi niya kapag nagka gusto daw ako sa kanya babawasan niya sweldo ko”

She gave me a seryoso-ka-ba look. “ kaya naman pala nag papanic ang accla dahil ayaw mawalan ng sweldo eh”

Medyo isa sa yun sa mga dahilan kung bakit ako nag ooverthink ngayon. Pero may iba pang dahilan.

I told her all the things  na nangyari sa honeymoon kineme naming tapos yung mga nangyayari pa nitong mga nakaraang araw. Pero syempre may mga limitations din naman. Pero sapat na ‘yon para maging rason upang tuksuhin niya ako ng  tuksohin.

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now