4- A little help

1.4K 65 1
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐈𝐕𝐄

~ 𝑨 𝒍𝒊𝒕𝒕𝒍𝒆 𝒉𝒆𝒍𝒑~

"SALAMAT talaga Lian at pinatuloy mo muna kami dito" wika ko kay Lian habang tinutulungan niya ako mag ayos ng gamit dito sa apartment niya.

" Ano ka ba , ayos lang yun. Mabuti nga na dito muna kayo kumatok mag ina. Kase sakto na wala pa si nanay. Tatlong linggo kase siya mawawala eh. Umuwi muna siya ng probinsiya. Kaya habang wala pa siya. Dito muna kayo"

Napa ngiti na lang ako ng kaunti.

" Hindi ko akalain na sa mismong birthday pa ng anak ko kami magkakaroon ng drama na gan'to" napa lingon ako kay Vienna na abala sa pag hahanda para sa pag pasok niya sa kumpaniya ni Miss Aisha bilang estudyante niya sa sala ni Lian. Abala siya habang nagbabasa ng libro habang nag dedesign ng bago niyang project na gagawin.

" Kamusta nga pala lolo mo?" Tanong niya.

i heaved a deep sigh. " Isa din yan sa iniisip ko ngayon. Hindi ko kayang mawala si lolo sa 'kin Lian."

Kahit anong subok kong pigilan ang luha ko. Hindi ko parin magawang tiisim na lang. Marahang isinara ni Lian ang pintuan ng kwarto niya sa pag iyak kong muli nang hindi kami makita ni Vienna.

Si lolo Mario ang nag silbing tatay namin ni Vitto mula pagka bata. Siya din ang nag silbing nanay namin sa tuwing iniiwan kami ni nanay para sumama sa mga nagiging nobyo niya noon. Kumbaga siya na ang naging magulang namin ni Vitto. Lalo na nung iniwan kami ni nanay noong high school pa lang ako.

Iniwan at binabalikan na lang kapag trip niya na tumira sa bahay. Lumaki ako na si lolo lang ang tanging itinuturing na magulang. Dahil kapag nandyan si nanay , ni hindi ko man lang siya magawang tingnan.

Lalo na't hanggang ngayon , ako parin ang nagbabayad sa sandamakmak niyang utang dahil sa mga palpak niyang negosyo.

" Tapos ang magaling kong nanay , nandun sa Cebu. Kasama yung bago nanaman niyang lalake. Nag kakanda kuba na ako sa pag tratrabaho para mabayaran yung mga utang niya , nasa bingit na ng kamatayan si lolo tapos ako pa nag papaaral kay Vitto. Kahit ata magasgas ang *ep* ko sa pag tratrabaho sa lintek na buhay na 'to hindi parin ako makaka ahon" i hissed.

I love my family. But i dont even know what to do at all. Ginagawa ko na lahat ng kaya kong gawin. Kumakayod na ako ng todo pero kulang na kulang parin.

Napa singhal na lang din si Lian habang humihikbi ako.

Napa pikit na lang ako habang iniisip kung ano pang mga paraan ang kailangan kong gawin para kumita ng pera.

" eto , beh. Kunin mo na muna 'to" napa tingin ako kay Lian nang bigla niyang iabot sa 'kin ang perang nasa kamay niya.

" Sira ulo ka ba?" I wiped my tears. " Kailangan mo yan pambayad sa tuitiom fee mo"

inis niyang kinuha ang palad ko at saka ipinatong ang pera na hawak niya. "Sobra naman yan sa kailangan ko. Tsaka hindi mo naman kailangan bayaran ngayon na eh. Kahit kailan mo yan bayaran basta mabayaran mo ayos lang. Alam kong ayaw mo sa mga utang. Pero tanggapin mo na muna yan"

Lian is truly the friend i didn't imagine that will help me in this situation. Pero wala naman akong choice siya lang naman talaga ang kaibigan ko.

Pero aminin ko. Malaking tulong na kahit papaano ang ginawa niya. Pero kulang na kulang parin ito sa kailangan ko.

--

" Salamat talaga ate , sasusunod bili po ulit kayo ah?" I smiled to my customer before she finally go.

Pagkatapos ko sa palengke para maf benta ng isda ay dinoble ko pa ang pag benta ko ngayong hapon sa mga damit na tinda ko. hawak ko sa isang balikat ko ang malaki kong bag na naglalaman ng paninda kong damit na kay bigat. Habang hawak ko naman ang malaking basket ko na naglalaman ng mga paninda kong kakanin , siopao tsaka pancit na kaka luto ko pa lang matapos kong umuwi.

The richgirl's playmateNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ