15- Enjoy

977 52 1
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐈𝐅𝐓𝐇𝐓𝐄𝐄𝐍

~ 𝑬𝒏𝒋𝒐𝒚~

KANINA ko pa gustong kurutin at sermonan ang sarili ko habang naka upo ako sa isang tahimik na sulok sa loob ng dressing room ni miss Aisha.
Paano ba naman kase? Automatiko na atang napapatingin ang mga mata ko sa kanya.

May kung anong awkward na hangin ang pumapalibot sa paligid naming. Napupuno ng tension ang glam team ni miss Aisha habang tahimik nilang inaayusan ang mala perpektong anghel na nasa harapan nila.

Ni isa walang kayang tumitig sa mga mata nito na para bang natatakot sila na baka bigla na lang silang lamunin ng buhay ng babaeng ‘to. May kung anong tension at takot ang bumabalot sa paligid habang ginagawa naman nila ang trabaho nila. Her intimidating aura is one of the reason why everyone who’s serving her is literally shaking while doing their job because of dark aura.

Specially her bored and almost d3ad like eyes that instantly brought shivers to them.

Abala naman ako sa pag titipa ng mga letra sa cellphone ko matapos kong maayusan at mabihisan.

Pinapasundo ko kase si Vienna kay Marcus na noong isang araw pa pilit nang pilit sa ‘min para hayaan siyang manood sa performance namin ni miss Aisha. Mabuti na lang talaga at lagi siyang handa. She gave me 2 extra pass to invite any of my friends to my performance. At  dahil wala naman akong ibang kaibigan dito. ay sila na lang ang inivite ko. may choice ba ako? charot.

Dahil sa inis ko parin ay inaya ko sila Lian at Marcus na pumunta kung saan para kumain at mag inom. Pampa lipas inis kung baga na agad naman nilang sinang ayunan.

Kanina ko pa siya hindi pinapansin. Hindi iniimik at hindi man lang tinitingnan sa tuwing kakausapin niya ako. sa hindi ko malamang dahilan. Parang pakiramdam ko may kumukurot sa dibdib ko kapag tinitingnan ko siya.

Kaya naman ngayon , sa tuwing mapapa tingin ako sa kanya ay napapa iwas na lang ako ng tingin sabay sermon sa sarili ko.

Kahapon , matapos nang nangyari. Hindi din siya umuwi sa bahay. At sabi ni kuya Robert ay baka daw nasa condo niya siya natulog na madalas niyang gawin noon.

Tsaka , ano naman ang masasabi ko tungkol don? Pake ko ba? Di hamak na impleyado niya lang naman ako. hindi rin naaalis sa isipan ko ang Nakita ko kahapon sa parking lot.
Inaamin ko , para paring kumukulo ang dugo ko kapag naalala ko yun. Yun gag0 kaseng Connor na ‘yon eh.

Tama nga si miss Avery. Napaka kumplikado ni miss Aisha. she like complicated things , at halata naman ata yun sa kanya. Hindi ko maintindihan ang nakaraan niyang relasyon dahil talagang ang gulo naman talaga kase nun eh.

Tapos ngayon mang gugulo ulit yung Connor na ‘yon. gag0 ba siya? May asawa na siya noh. tapos guguluhin niya pa si miss Aisha. abaka puk1nang1na niya malal4------ teka nga Mari pakialam mo ba? My mind asked me. that made me heaved a deep sigh.
Pake ko nga ba?

Kanina ko pa gustong umalis dito dahil sa totoo lang ayoko na nagiging marupok ako pagdating sa kanya.
Sabihin na nga natin na oo. Baka nga talaga crush ko na si miss Aisha kaya ako nagkakanito.

Ayoko talaga siya pansinin kahit sa totoo lang ay wala naman talaga siyang ginawa.

Para  na akong bulateng naasinan na hindi makapag desisyon nang maayos kung ano ba dapat ang maging posisyon ko sa upuan na ‘to.
Everyone’s eyes couldn’t help but to dart it on mine as they the sound of the sofa’s insides as I move in different position. Trying to find a comfortable position in sitting. I just couldn’t help but to gave them a awkward smile as I tell them that…

… I am okay using my OKAY-LANG-AKO-ITIGIL-NIYO-NA-YANG-MATA-NIYO-SA-‘KIN.
P0TANG1NAAAA ang gulo na nang utak ko.

Nang matapos niyang alisin ang mga mata nila sa ‘kin ay akala ko mananahimik na ako. ngunit agad ako napa lunok at iwas ng tingin nang mapansin ko ang titig ni miss Aisha na may halong pagaalala habang naka tutok ang mata niya sa repleksyon ko sa salamin.

The richgirl's playmateWhere stories live. Discover now