6- Unexpected Savior

1.4K 64 5
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐗

~ 𝑼𝒏𝒆𝒙𝒑𝒆𝒄𝒕𝒆𝒅 𝒔𝒂𝒗𝒊𝒐𝒓~

IF YOU got a chance to be rich , no matter how complicated the situation you will enter. You’re still going to do whatever you can do as long as you can get what you want.

Maraming tao ang nagsasabi ‘that money can’t buy you happiness’ dahi mas importante  daw kuno na may nagmamahal sa ‘yo at marunong kang mag mahal.

And I don’t certainly agree with that.
Kahit mamatay pa ako , ipapaglaban ko talaga na ‘ money can buy you happiness’ dahil kapag may pera ka , madali lang sa ‘yo na makahanap ng lintek na pag ibig na ‘yan.

Pwedeng-pwede mong gastahin ang pera mo para mabili lahat ng mga bagay na gusto mo sa buhay na alam mong makakapag bigay saya sa ‘yo.
Money can really buy you happiness…

“ kamusta ka , lolo?” tanong ko kay lolo habang kausap ko siya via video call.
Hanggang ngayon ay nasa hospital parin sila ni Vitto. Nagpapagaling siya doon matapos ang ilang araw ng operasyon niya. at alam ng diyos ngayon kung gaano ako ka saya na nakikita ko na siyang masigla kahit papaano.

[ “ Mari , kamusta ka na apo?”] hindi pa nga lang niya ako ngayon matingnan ng maayos dahil naka higa parin siya sa kama.

Upon hearing his voice once again , the side of my lips instantly rose up from a long time of having a straight lips. Finally I am able to hear his voice  once again.

“ Nako maayos lang lolo , ikaw? May masakit pa bas a pakiramdam mo huh?”

[ “ Wala naman masyado apo , pero mas lalo pa atang mapapabilis ang pag galing ko kung uuwi muna kayo ni Vienna dito sa probinsiya kahit ilang araw man lang.” ]

Isa din iyon sa matagal ko ng pinag plaplanuhan noon. Ang umuwi sa probinsiya lalo na’t halos dalawang taon na rin ang lumipas mula nung huling beses na umuwi ako sa bahay eh. Sa sobrang busy ko pa naman sa mga trabaho ko noon ay hindi ko na man lang magawang umuwi kapag may okasyon man lang.

Tsaka isa na rin sa prinoproblema ko ay ang magiging gastusin kung sakaling umuwi ako. ngunit ngayon , kaya ko naman na umuwi lalo na’t ma dami-dami pa naman na natirang pera sa paunang bayad sa ‘kin ni miss Aisha.

Ang problema ko nga lang ay kung papayagan niya ba ako. lalo na’t napaka stricto pa naman niya.

“ Nako ho lolo , hindi ko pa po alam kung kailan kami makaka uwi dyan ni Vienna eh. Pero kapag may free time ho ako , at sana lang po talaga payagan ako ng amo ko. dahil pramis , lo. Miss na miss ko na din po kayo at gusto ko na rin po talagang umuwi dyan.” I just heaved a deep sigh.

Sa tuwing naiisip ko ang pamilya ko sa probinsiya , hindi ko parin magawang hindi uminit ang ulo kapag naalala ko si nanay.

Kapag nakaka usap ko si lolo ay hindi parin mawala sa isipan niya ang banggitin ang  pangalan ng babaeng yun eh.

Napa Singhal na lang talaga ako. Matapos naming mag usap ni lolo ng saglit ay nag linis muna ako ng kaunting oras sa bahay ni Lian bago patuloy na binasa ang mga nilalaman ng folder na bigay sa ‘kin ni miss Aisha.
Matapos nang pag kikita naming  kahapon ay ngayon ko lang ito talagang binasa ng buong-buo.

Talagang kumpleto talaga ang mga pinag susulat niya dito lahat  na ata ng mga maaring itanong sa ‘kin ng mga magulang o kapatid niya eh. Mag mula sa kung saan kami nag ka kilala , kung paano kami nag kakilala. Hanggang ba naman sa mga dapat kong sabihin kapag mag hiwalay na kami.
Buong detalye ng relasyon naming kuno ay nandito na lahat.
Bago ko ito binasa ay tiningnan ko muna kung ilang pages ito , at hindi ko maiwasang matakot ng kaunti dahil medyo may ka kapalan ito eh. Kasing kapal na nito ng kaunti ang isang pack ng bond paper eh.
“ 100 pages?!” inis kong Singhal.
“ puny3t4 , ano ‘to nobela?”
Halos lahat na ata ng mura sa tagalog nabanggit ko na dahil sa kapal at dami ng pinababasa niya sa ‘kin.
Dinaig ko pa ang studyante na tinambakan ng modules sa dami nito eh. Kahit pa medyo Malalaki pagkaka edit ng mga pictures dito kaya naman nakapag parami ito ng kaunti ay hindi ko parin maiwasan mapa mura talaga ng sobrang lutong. Dahil mas marami talaga ang babasahin dito kaysa sa mga litrato.
Kin4ng1na , buong libro na ata ‘to eh.

The richgirl's playmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon