Chapter 38: " Lets end this way!"

812 9 14
                                    

Matagal akong nakatitig sa salamin ng bathroom habang inaayos ang make up ko. Ngayon ang meeting ng lahat ng representatives at ng CEO ng kompanya. Alam komg di ko sya makikita doon dahil di naman siya kasali sa meeting.
Kaya dapat kampante ako.

"DING..DONG.."- may doorbell

Sigurado akong si Vince iyon kaya binuksan ko sya.

"Ready kana?" -tanong nya.

Tumango ako. At lumabas kami papunta sa sasakyan nya. Ihahatid ako ni Vince sa venue ng meeting namin.

"Sure ka okay ka lng mamaya pag uwi?" -sabi ni Vince habang nglalakad kami.

" Pads oo naman. Dont worry di ako mawawala dito . Heheheheh.." -sagot ko

May Urgent meeting din kasi si Vince mamaya sa isang business partner nila kaya di nya ako masundo mamaya pagkatapos ng meeting ko.

"Hintayin mo ko mamaya sa Dinner, sabay tayo mag dinner. Ha?!"-sabi

"Okay! Boss!"-pabiro kong sagot sa kanya.

" Masaya ako, Okay kana ulit!"- huminto si Vince sa harap ko at matagal nya akong tinitigan sa mata

Bumuntong hininga ako.

"Kailangan!"-nginitian ko sya at ngpatuloy kami sa paglalakad papunta sa kotse nya

_____________________________________

Ilang oras natapos din ang meeting. Maaga aga pa kaya balak ko sanang mglakad lakad muna.
Malapit sa building may nakita akong park na puno ng ibat ibang klase ng bulaklak. At may pond na puno ng gansa at may gazebo sa gitna. Pumunta ako doon para kumuha ng ibat ibang piktyur at selfies. Iyon kasi ang bilin sakin ni Joy. Dapit marami akong dalang pictures.
Mula kasi ng dumating ako, kunti lang ang nakuha kong pics. Nilibot ko ang buong park.
Pumasok sa Gazebo para magpahinga. Umupo ako sa isang bank doon at pinapanood ang mga gansa sa pond. Naramdaman ko ang yapak ng tao na pumasok sa Gazebo. Yari sa kahoy kasi ang sahig ng gazebo kaya maririnig mo bawat bawat yapak doon.
Hindi ako nakaramdam ng takot kasi open ang gazebo na iyon, kahit sino pede pumasok at umupo sa loob. At saka maraming tao sa paligid. Ilang sandali nakaramdam ako ng anino ng tao sa gilid ko at bigla itong umupo sa bank na inuupoan ko. Malaking bank ang inuupoan ko kaya kahit pitong tao pede magksaya doon.
Binaliwala ko iyon kasi kahit sino naman pedeng umupo doon. Kasi sa isip ko, baka wala lng makitang ibang maupoan ang taong iyon kaya sya doon umupo. Ngpatuloy ako sa panonood sa mga gansa nang...

"Im Sorry!"-nabigla ako sa sinabi ng taong umupo sa tabi ko.

Matagal akong natigilan nang marinig ko ang boses na iyon at makilala ang boses nya.
Ngdadalawang beses akong lumingon sa lalaking ngsasalita sa tabi ko

"Im Sorry!"- sabi nya ulit.

Bigla nalang, lummgon ako.

Si Rence. Na tumitingin sa akin. Matagal ko syang natitigan. Binaling ko pagkatapos ang tingin ko sa harap na malayo sa mga mata nya.
Gusto kong tumayo at umalis papunta sa malayo sa knya pero di magawa ng katawan ko.

"Im so Sorry!"-sabi nya ulit.
Tatlong beses na niyang inulit ulit ang salitang iyon. Habang inulit ulit nya ang mga salitang iyon, parang gusto ko syang harapin at sampalin ng sampalin hanggang sa mamaga ng husto ang mukha nya. Pero di magawa. Pumasok sa isip ko ang pinangako ko sa sarili ko sa harap ni Vince kahapon. Na buburahin ko sya ng kompleto sa buhay ko, sa isip at sa puso. Kakalimutan ko ang lahat, masasakit at masasayang sandali namin. Ipinangako ko kay Vince na kaya kong tapusin ang lahat. Alang alang sa mga anak ko. Sa mga anak ko lang.

Pinilit kong pakalmahin ang nararamdaman ko. At sumagot ako nang mahinahon.

" Tapos na iyon. Wala na tayong magagawa. Nangyari na ang nangyari.!"- tanging nasabi ko pero di ko pa rin sya nilingon

My Heart belongs to a Civil EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon