Chapter 13: "Our first unofficial date"

298 1 0
                                    

Katatapos lang last two weeks ng mga exams namin sa lahat ng subjects. At ngayon malalaman ang grades namin. Ususual lagi akong highscorer sa mga klase ko, kundi man perfect ang score ko, tig dadalawa or tatlo lng mali. Kaya alam ko ng malalaki ang matatanggap kong grades. Pero iba parin sa pakiramdam ko pag nakita ko ang name ko sa bulletin board. Ngayon ipopost ang bagong Dean's List, kaya maaga kami ni joy pumunta ng school para makita.

"Danny, Congratz na naman! Nasa top 2 ka na naman oh!" - nasasayang sabi ni joy.

Di ko maipaliwanag kung anong tawag sa emosyon na nararamdaman ko pg nakikita ko ang pangalan ko doon. Mas lalo akong na inspire na pag butihin pa. Tinititigan ko pa ng matagal ang pangalan ko doon. Nang may biglang bumulong sa likod ko.

"Congratz! Proud na proud ako sa iyo Idol!" -sabi nung bumulong.

Tiningnan ko. Si Darrence pala. Tinititigan din ang pangalan ko sa listahan. Mula noong may kontak na kami sa phone, naging maayos na ang tungo ko sa kanya. Sumasagot na ako sa kanya pag may itatanong sya na walang halong pgsusungit. Katulad ng pakikipag usap ko sa ibang kaklase namin. Pati kay Vince, nakikipag usap na rin ako. Halos gabi gabi kasi tumatawag si Darrence. Magtatanong ng tungkol sa project na paulit ulit ko nalang sinasagot. Diko alam kung makalimutin ba talaga siya o sinasadya nya lang yun para may mapag usapan lang. Pero naging pasensyosa naman ako, paulit ulit ko din syang sinasagot sa mga tanong nya, eh wala naman syang ginagawang masama eh.

"Salamat!" -sagot ko sa pagbati nya sakin. Na may ngiti.

"Dan congratz! Libre naman dyan!" -bati ni Vince na sunod dumating.

"Salamat Vince!hehehehe..." -sagot ko din sa kanya at natatawa.

"Tara! Punta tayo sa canteen! Libre ko! Maaga pa naman eh!" - yaya ni Darrence na tiningnan ang relo.

"Talaga? Libre mo kami?" -sabat din ni joy na nasasayahan makarinig ng libre.

"Ba't sa canteen pa Tol? Doon sa labas oh may fastfood doon!" -sabi ni Vince.

"Next time nalang ha! Baka kasi ma late tayo sa klase eh! Laging busy pa naman doon. Mahaba ang pilahan. "- sabi ko.

"Ay oo nga pala! Sige na Dan! Payag ka na! Sa canteen nalang tayo!" -pangungumbinsi ni Vince.

Tiningnan ko si Darrence. Tumingin sya at may sininyas sa kin na para bang gusto nyang sabihin na 'pumayag ka na'.

Siniko ako ni joy na parang nangungulit din.

"Sige na nga! Basta taya mo ha?" -sabi ko ky Darrence. Pumayag na rin ako. At tumungo na kami sa canteen.

"Anong gusto mong inumin?" -tanong nya.

Nauna na sa amin sila Joy at Vince sa pila. Si Darrence ang katabi ko sa linya at sya na ng oorder ng gusto ko.

"Ice tea lang akin." -sabi ko.

"Anong gusto mong kainin?" -Darrence

"Spaghetti lang!" -sabi ko.

""Dessert? Ano gusto mo? Yung leche flan or yung macaroni?" -tanong ulit ni Darrence.

"Hindi mahilig si Danny sa macaroni!" -sabat ni joy na malapit lng pala sya sa amin at naririnig ang mga tanong ni Darrence sa akin.

Nagkatinginan at ngkangitian lang kami ni Darrence.

"Manang dalawang spaghetti po with garlic bread, dalawang iced tea at dalawang leche flan. " -inorder ni Darrence doon sa tindera.

" Para kina Vince ba yong leche flan?" -tanong ko sa kanya.

"Atin?" -sagot nya.

"Ha? Andami naman ng inorder mo. Di nga ako makaubos ng isang serving ng spaghetti nila, ngdagdag ka pa ng dessert." -reklamo ko sa kanya.

"Huwag ka na umangal diyan. Ubusin mo na lang yung inorder ko sa yo. Para naman madadagdagan yang taba mo. Ang payat mo oh!" -sabi nya sabay tingin sa katawan ko.

Ngayon lang sya ulit nang inis. Pero kahit pang iinis yung sinabi nya, natatawa lang ako. Di ko maitago ang ngiti ng maalala ko.

"Ttzzzz..." -reaksyon nya. Tumingin pala sya sakin at nakita nya ang pagngiti ko. Natawa sya.

Umakyat kami doon sa 2nd floor ng canteen. May itaas kasi iyon. Doon kami nghanap na upuan. Ang daming mga babae din doon nakaupo kaya rinig na rinig namin ni joy ang mga bulong bulongan nila.

"Girl, ang mga crush natin oh!" -sabi ni girl 1

"Oy c Darrence at Vince oh!" -sabi ng girl sa ibang table

"Ngayon ko lang ata nakita silang kumain dito sa canteen. Ah!" -sabi nung kabila.

"Ang gwapo talaga nila noh!"-sabi nung isa

"Mga girlfriend nila yan?" -pag uusyoso naman nung isa.

Nagkatinginan lang kami ni Joy nung marinig namin yon.

"Girl ang haba naman ng hair natin! Puro gwapo pa ang kasabay natin dito. Hehehhe...inggit na inggit na ang mga yan satin ngayon sigurado...hehehehe" -bulong ni joy sakin.

Magkatabi kami ni joy sa upuan at kaharap namin sila Darrence at Vince. Napangiti sila samin parang alam nila ang pinag usapan namin ni joy.

Nung matapos kung kainin ang spaghetti, kinuha ni Darrence ang pinggan ng spaghetti na naubos ko at ipinalit ang leche flan.

"Ubusin mo yan ha!" -utos nya na may ngiti.

"Salamat!" -sabi ko

Kanina pa nya naubos ang spaghetti nya pero hinintay nya lang akong matapos sa spaghetti ko para sabay naming kainin ang leche flan namin.

Medyo maingay din naman ang mesa namin dahil ky Joy. Nagkasundo silang dalawa ni Vince sa isang thema at nakikinig lang kami ni Darrence.

" Salamat sa treat ha!" -sabi ko ky Darrence habang palabas kami ng canteen.

" Welcome!" -sabi nya ng nakangiti

" Salamat Darrence sa libre! Sa uulitin!hehehehe..." -pabirong sabi ni joy.

"Sure!" -sagot lng ni Darrence

"Hoy Vince, manlibre ka naman din!" -sabi ni joy ky Vince.

"Oo ba! Sa susunod. Yung wala ka!" -tawang sagot ni Vince ky joy.

"Ang sama nito!" -sabi din ni joy na hinampas si Vince likod.

Nasa unahan namin sila Joy at Vince na patuloy parin sila sa topic nila nung sa loob pa ng canteen.

Nakasunod lang kami ni Darrence sa kanila na tahimik at walang mainitindihan sa pinag usapan nila.

Naglakad na kami patungo sa klase namin.

My Heart belongs to a Civil EngineerWhere stories live. Discover now