Chapter 12: "Our first 'GOODNIGHTS' "

338 2 0
                                    

Maaga akong dumating sa school. Maaga akong ng umpisa at natapos sa work kaya yung bakanteng oras ko ginagamit ko para mg review ng lessons. May nagkaklase pa sa room namin kaya doon ako sa katabing room na bakante na walang estudyante sa loob. Binuksan ko ang notes ko nang may pumasok at may isang maliit na gift bag na nilapag sa ibabaw ng notes ko. Nabigla ako at napatingin sa lalaki.

"Ano to?" -tanong ko sa kanya at kinuha nya yung isang upuan at inikot paharap sa akin.

"Buksan mo!"- utos nya.

Binuksan ko bag at nakita ko ang puting box. Kinuha ko sa loob. Isang box ng Cellphone. Isang Latest Na Smartphone ang nakatatak sa labas ng box.

"Ano to? - tanong ko ulit sa kanya

" Cellphone!" -sabi nya

"Alam ko cellphone to pero ano ibig sabihin nito?" -tanong ko ulit sa kanya nang may hindi ako maintindihan.

"Para sa yo! Di ba ayw mong ibigay ang number kasi for family use lng yun. Ginagawa ko kasi ang project sa bahay na ,minsan may hindi kasi ako maintindihan sa project ,gusto kong itanong sayo pagkabukas pero lagi ko namang nakaakalimutan. Kaya naisip ko, bigyan kita ng cellphone para makontak kita agad pag may tanong ako pg ginagawa ko yung project para di ko na makalimutan. Okay naman siguro yon diba?" -paliwanang nya.

"Hindi. Hindi ko to matatanggap. " -sabi ko sa at agad kong binalik sa kanya nag box.

Pero ipinilit pa rin nya sakin.

"Sige na! Ah... Ano nalng isipin mo nalang para sa project to. Aammm...ahhhh.. Isipin mo nalng na ipinahiram ko to sayo para sa project then ibalik mo nlang pagkatapos ng project...Ano ?okay ba yon?" -sabi nya

"Ayoko nga. Di nga pede eh!" -sabi ko at tinulak sa kanya pabalik ang box.

" Sige na! Ano lng to..ah..for business use only...Sige na..." -pangungulit nya pa rin.

"Business business ka dyan ..Ayoko nga eh!" -sabi ko ulit sa kanya at bumalik ako sa notes ko.

"Paano yan? Marami pa naman akong ideas at suggestions para sa project. Para tayo ang may pinakamaganda. Sigurado perfect ang grade natin doon. Pero kung di masabi ang mga ideas ko, baka may mas maganda pa sa project natin. Baka average lng makukuha natin.!" - sabi nya na parang nangungunsensya at patingin tingin pa sa kisami habang ngsasalita.

Napatingin ako sa kanya.

"Pag may maisip ka, isulat mo agad sa papel para di mo makalimutan para masabi mo sa akin pgkabukas." -sabi ko sa knya

"Tamad akong magsulat eh at saka makalat ako sa gamit baka mawala ko lang din yung sinulatan ko." -pagrarason na nman nya.

Napaisip ako

"Sige na nga! Pero 'for business use only' lang to ha. At ibabalik ko to pagkatapos ng project. AT...AT WAG MO KONG TAWAGAN KUNG HINDI KONEKTADO SA PROJECT ANG PAG UUSAPAN! NAGKAKAINTINDIHAN TAYO?" -sabi ko sa kanya sa mataas na boses para iklaro ang usapan.

"O...Okay..Sure!... Thank you! -sabi nya na ngumiti sakin

Binuksan nya ang box at kinuha ang laman. In-on nya ang cellphone. At inabot sakin.

"May sim na yan sa loob. Naka save na rin number ko dyan. Sumagot ka agad pg tumawag ako ha kasi baka makalimutan ko ang maiisip kong idea eh." -sabi nya.

Hinawakan ko ang cellphone at tinitingnan tingnan ang loob. Minamasdan lang din nya ako. Nanatili lang syang umupo doon sa harap ko.

"Basta ha! Ang usapan ay usapan!" -paulit kong sabi sa kanya.

"Oo na nga! Promise!" -sabi nya at nakangiti lng sya sakin.

_______________________________________________________________________________

"RRRRIIINNNGGGGG....." tumunog ang bell

"Oi next period na! Sige ha!" -paalam ko sa kanya bago ako naunang lumabas.

Sobra isang oras din kami sa loob nagkasama. Nag ko-concetrate lng ako sa ginagawa ko notes habang nasa harap ko lng sya nakaupo kaya di masyadong nabantayan kung ano pa ginagawa nya. Di naman kami masyadong ngkausap maliban lang about sa cellphone nya na pinahiram sa kin. Maliban doon wala na. Iyon ang unang pagkakataon na ngkaharap kami at ngkasama ng ganon katagal na walang inisan na ngyayari at naramdaman. Parang normal lang.

"Ano yan Dan?" - tanong ni joy na sinisilipi ang loob ng gift bag.

"Ay wala yan. Ano yan, ah gamit ko sa work!" -sabi ko sa kanya.

"Ah okay!" - sabi nya at di na rin sya nangulit.

_________________________________________________________________________________

Mag te-10:30 pm na. Pumunta ako sa kusina para uminum ng tubig bago matulog nang pumasok at kapatid ko sa kwarto ko para may isuli....

" Ate?"-tawag ng kapatid ko.

"Bakit?" -sagot ko

"Ng ri-ring ang cellphone mo!" -sabi nya.

Pumasok agad ako sa kwarto. Pero la na akong marinig na nag ri-ring. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may missed call pero wala naman kahit txt wala din.

Humiga na ako nang may narinig akong music. Pinakinggan ko. Ringtone ng cellphone. Collide ni Howie Day ang ringtone nya. Hindi ko naman ringtone yon ah. Pero parang nandito lang sa kwarto ang tumutunog. Hinanap ko kung saan ang tumutunog. Nasa loob ng bag ko pala. Kinuha ko. Yun pala yong cellphone nya na binigay nya kanina.

"Hello?" -sinagot ko ang tumatawag.

"Hello! Nagising ba kita?" -tanong ng nasa kabilang linya.

"Hindi. Matutulog pa lang ako. Bakit ka napatawag?" -tanong ko at bumalik sa kama habang hawak ang cellphone.

"May idea kasi ako naisip kanina kaya tumawag ako. Di mo kasi nasagot kaya akala ko natutulog ka na." - sabi nya.

"Bakit? Ano ba yon? " -tanong ko.

"Ah e...nakalimutan ko na tuloy. Narinig ko kasi boses mo eh." -sabi nya.

Napangiti ako ng lihim na diko namalayan.

"Okay! Itxt mo nalang pag maalala mo! Sige na! Gabi na! Matutulog na ako!" -sabi ko.

"O-Okay! Pasensya na sa istorbo ha. Salamat sa pagsagot sa tawag ko! Good night! Sweetdreams! Kita tayo bukas!..B....bye" -sabi nya na parang ng aalanganin pg mag bye...

"Bye!" -paalam ko. At ibinaba ang phone. Humiga na ako na di mawala ang ngiti sa mukha ko. Di ko alam kong bakit ako kinikilig!

My Heart belongs to a Civil EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon